Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte naospital itinanggi ng Palasyo
Duterte naospital itinanggi ng Palasyo

Duterte naospital itinanggi ng Palasyo

WALANG katotohanan na na-confine sa isang pagamutan sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakasipot sa isang opisyal na pagtitipon sa Palasyo kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Special Asistant to the President Christopher “Bong” Go, napagod nang husto si Pangulong Duterte at gabi na nakauwi mula sa pagbisita sa Catarman, Samar kamakalawa ng gabi, kaya nagpasyang private meeting na lang ang daluhan.

READ MORE:  6 drug pusher patay, 1 sugatan sa tandem

“Walang katotohanan na-admit si PRRD. Hindi ‘yan totoo 100% po. Itataya ko ang buhay ko d’yan, hindi totoo ‘yan. Antay lang natin mama­ya may public appearance siya. Kahapon naman private meeting lang siya dahil pagod na pagod siya noong isang gabi, ‘di ba galing kami sa Catar­man, late na kami nakau­wi, “ ani Go.

READ MORE:  3 drug suspect utas sa parak
READ MORE:  Murder vs Makabayan 4 ibinasura ng korte

Buwelta ni Presi­den­tial Spokesman Harry Roque, makarma sana ang mga nagnanais na magkasakit si Pangulong Duterte.

Dagdag ni Roque, naka­handa siyang mag­padala ng larawan ng Pangulong Duterte upang patunayang mali ang espekulasyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top