Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sabrina M, muling kumakatok sa showbiz
Sabrina M, muling kumakatok sa showbiz

Sabrina M, muling kumakatok sa showbiz

SIKAT na sexy star o bida sa titillating films noong 90’s si Sabrina M. Humataw din siya noon sa pag-usbong ng seksing pelikula kaya ang buong akala namin sa kanyang pagkawala at paghina ng sexy films ay nakapag-ipon at tahimik at masaya ang pamilya niya.

Hanggang sa 2 years ago ay nahuli siya at nakulong dahil sa paggamit ng droga at nitong nakaraang buwan ay nakalaya na siya.

READ MORE:  Tagumpay ng Pangako Sa ‘Yo nina Echo at Kristine, tiyak na malalampasan pa ng KathNiel

Ayon kay Sabrina M., sa kanyang paglaya ay aayusin na niya ang kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak at iba pang mahal sa buhay.

Isang madilim na kahapon ang kanyang napagdaanan at ayaw niya na  itong balikan pa.

READ MORE:  Teejay Marquez, humahataw ang showbiz career!

Isang kaibigan si Sabrina M para sa amin dahil isa rin siya sa mga inalagaan naming sexy stars noon. Kaya kami na po mismo ang kumakatok sa showbizlandia na bigyan po natin siya ng ikalawang pagkakataon at naway pagbuksan natin siyang muli ng ating mga pintuan.

READ MORE:  Sam at Jasmine, nagkabalikan na raw

Ganoon po talaga ang buhay. Walang perpektong taong isinilang o isisilang palang sa mundong ito. Ang mahalaga, natuto si Sabrina M. sa kanyang pinagdaanan sa buhay at ngayo’y pinatatag na ng panahon upang muling harapin ang buhay, just like me.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved