Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Politiko sadyang nakaloloko
Politiko sadyang nakaloloko

Politiko sadyang nakaloloko

IBA talaga ang politiko sa ating bansa, sadyang naka-kaloko. Dalawang bagay lang ang malaki ang posibilidad na mangyari kung ito’y masyado nating seseryosohin at pag-uukulan ng sobrang pansin at ang dalawang bagay na ito ay mabaliw tayo o mawala  sa hulog kung kaya’t mas mainam na lang na makiloko at makipaglokohan kaysa tayo ang maloko’t maisahan ng mga damontres.
Huwag na tayong lumayo pa, mantakin n’yo, dito sa Lungsod ng Maynila ang mga dating numero unong magkatunggali ay magkakampi na at magkasama sa isang tiket at partido. Obvious naman ang ating tinutukoy, walang iba kundi si incumbent Mayor Erap Estrada at si Cong. Amado Bagatsing.
‘Di ba’t noong nakaraang local election ay nilabanan ni Bagatsing si Estrada sa pagka-alkalde ng Maynila? Nagbatohan sila ng mga baho at butas…
He he he…
Nakakaloko talaga, tapos ngayon ay one-two punch na ang dalawa, tandem at best of friends na sa isang tiket. Erap sa pagka-alkalde at Amado sa bise alkalde…
Tsk tsk tsk.
Maskarahan lang talaga ang laro at dito mapapatunayan na hindi lang sa pag-ibig walang forever kundi sa politika rin, mas masahol pa. Dating magkalaban ngayon ay magkakampi, dating magkakampi ngayo’y magkakalaban, laban sa lahat.
Bukod sa nakakaloko ay nuknukan nang gulo na nagsisimula sa kanya-kanyang partido, ‘di maintindihan.
Si dating Mayor Alfredo Lim na umano’y tatakbo sa partido ng PDP-LABAN ay opisyal na idineklara ni Sen. Koko Pimentel na kanilang mayoralty candidate sa Maynila.
E bakit naman itinaas ang kamay nina congressional candidate Atty. Alex Lopez at iba pang tatakbong Konsehal sa 2nd district ng Tondo, Manila ni Presidential Spokesperson Harry Potter Roque sa isang pagpupulong sa Tondo?
Alam nating lahat na si Lopez ay ay nasa ilalim ng tiket at partido ni Erap. E ano naman kaya ang partido ni Spokesperson Harry Roque?
Ay naku nakakaloki ang kalakaran at mga estilo ninyo, laro na nilalalaro pa.

READ MORE:  Smart palpak sa iPhone
READ MORE:  Kapalpakan sa Kalibo Airport talamak pa rin (Attn: CAAP DG Jim Sydiongco)

LABANAN NG MAYORAL CANDIDATES
SA MAYNILA MABIGAT
Lubhang magiging mabigat ang labanan sa pagka- alkalde sa Lungsod ng Maynila sa darating na local election sa 2019.
Walang liyamado, walang dehado, lahat ay may panalo. Kumbaga sa karera ng kabayo ay walang outstanding favorite, everybody’s race ika nga.
Sa mga alingawngaw at tsismis, lumalabas na apat na matitikas na mayoral candidate ang maglalaban-laban sa Maynila. Pinangungunahan ni incumbent Mayor Erap Estrada, dati niyang vice mayor na si Isko Moreno, dating mayor at Buhay Party-list representative Lito Atienza at dati rin Mayor at senador Alfredo Lim.
Walang neophyte rito sa apat, sila ay matatandang politiko na na may kani-kaniyang tao, baluwarte at estratehiya. May sari-sarili rin silang makinarya.
Maging sa mga vice mayor na tatakbo ay wala rin first-timer maliban kay Gen. Elmer Jamias na sinasabing bise ni Lim.
Mantakin ninyo ang bigat ng phasing ng mga biseng tatakbo, simulan natin kay dating Cong. Amado Bagatsing, incumbent vice mayor Dra. Honey Lacuna at sixth termer Representative Sandy Ocampo. Aba’y puro may aligi na sila kumbaga sa alimango.
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata mga katoto. Rest assured that it will be an exciting race for the mayoral and vice mayoral slot in the City of Manila.

COMMENTS

About Bong Ramos

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved