Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / KTV bar waitress pinatay ng kustomer
KTV bar waitress pinatay ng kustomer

KTV bar waitress pinatay ng kustomer

PATAY ang isang wait­ress habang sugatan ang kahera ng KTV bar maka­raan pagsasaksakin ng galit na kustomer sa Tondo, Maynila, noong gabi ng Martes.

Ang biktimang napa­tay ay si Anecita Sialo­ngo, 41, habang ang kare­ha ay kinilalang si alyas Tamayo, 67-anyos.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa KTV bar sa Juan Luna St., dakong 9:00 gabi.

READ MORE:  Gigi Reyes muling humirit ng TRO sa SC

Kuwento ng isa pang waitress na nakasaksi sa krimen, nagalit umano ang suspek na si Robert Nocos nang hindi suma­ma sa kaniya ang bikti­mang si Sialongo.

Lumabas daw ang suspek ng bar at pagbalik ay may dalang kutsilyo at saka pinagsasaksak ang biktima.

READ MORE:  Deboto ng Poong Nazareno suportado si Mayor Fred Lim

Umawat aniya ang senior citizen na kahera kaya’t sinaksak din siya ng suspek.

Makikita sa kuha ng CCTV ng barangay ang pagdating ni Nocos bago ang pananaksak, at ang pag-alis niya makaraan ang krimen.

Nahuli ang suspek sa kaniyang bahay sa P. Herrera St., Tondo.

READ MORE:  Ayon kay Lorenzana: Martial law scenario sa PH ikinakasa ng CPP-NPA

Itinanggi niya ang krimen at sinabing natutulog lamang siya sa kanyang bahay nang hulihin siya ng mga pulis.

Kritikal sa ospital ang biktimang si Tamayo na tinamaan ng dalawang saksak sa tagiliran.

Mahaharap ang sus­pek sa kasong murder at frustrated murder.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved