Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jed, 6 na beses binigyan ng standing ovation sa Seattle concert

Jed, 6 na beses binigyan ng standing ovation sa Seattle concert

BAGO umalis si Jed Madela last week papuntang Amerika para sa kanyang solo-concert sa Seattle ay na-bash muna siya sa social media. Minaliit ng kanyang bashers ang kanyang kakayahan bilang isang singer.

Pero hindi na ito pinatulan at pinansin ni Jed dahil wala naman itong maitutulong sa kanyang buhay bagkus pinasalamatan niya na lang.

Ganoon ang tamang pagtrato sa bashers na kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay pabalik. Kaya naman sobrang blessed talaga si Jed dahil sa kanyang katatapos lang na Seattle concert ay anim na beses siyang pinalakpakan ng kanyang mga tagahangang nanggaling pa sa iba’t ibang estado ng Amerika.

Naging mainit ang pagtanggap kay Jed sa apat na araw niya sa Seattle kaya naman full-packed at anim na standing ovations ang ibinigay sa kanya.

Ayon sa ilang nakapanood sa sikat na world-class singer-performer, bitin sila sa at nag-request ng repeat! Bongga!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

About Dominic Rea

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top