Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pataas nang pataas na presyo ng gasolina trending na trending
Pataas nang pataas na presyo ng gasolina trending na trending

Pataas nang pataas na presyo ng gasolina trending na trending

PARANG hinipang lobo ang bilis ng pagtaas ng presyo ng gasoline sa kasalukuyan.

Halos hindi na makakibo ang sambayanan sa chain reactions na dulot ng trending na trending na pagsirit ng presyo ng gasolina.

Magpa-Pasko pa naman pero mukhang hindi mararamdaman ng mga bata ang sayang dulot nito dahil magkakasunod na nagtataasan ang mga bilihin.

READ MORE:  Albri’s Food Philippines Inc., nagbabayad ba ng tamang excise tax?

Nagtatrabaho pa ba ang Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company (PNOC)?

Hindi po maramdaman ng sambayanan.

Alam kaya ninyong marami tayong mga kababayan ang nananahimik na lang at tila hindi na kayang magreklamo pa, dahil napapagod lang sila?!

Kasi kahit ilang beses silang magreklamo at kahit paulit-ulit sabihin na, “Parang awa na ninyo, hindi na namin alam kung paano namin pagdu­dugsungin sa susunod na suweldo ang panggastos namin!” e walang epekto.

READ MORE:  White taxi sa NAIA dapat piliin ni GM Ed Monreal

O namanhid na lang talaga ang mga kaba­bayan nating walang-wala nang magawa kundi pagkasyahin na lang ang kakarampot na kita?!

Titigil pa kaya ang pagtaas ng presyo ng gasolina? O muli pa itong sisirit hanggang Disyembre?

READ MORE:  Bakit untouchable ang Tycoon KTV Club sa BI?

Mukhang ang Disyembre ngayo’y hindi lang, Paskong tuyo, kundi Paskong walang-wala?!

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved