Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Party-list congressman ‘nagwala’ nang pinaghubad ng sapatos sa NAIA
Party-list congressman ‘nagwala’ nang pinaghubad ng sapatos sa NAIA

Party-list congressman ‘nagwala’ nang pinaghubad ng sapatos sa NAIA

ANO kaya ang lihim sa likod ng biglang pagtatatarang ni Rep. Aniceto “John” Bertiz ng Party-list ACT-OFW nang paghubarin siya ng sapatos ng mga kagawad ng Office of Trans­portation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2?!

Isang malaking kahihiyan ang inasal nitong si Bertiz na ayaw maghubad ng sapatos sa NAIA para sa security check.

Ayon kay Ed Anas, opisyal ng OTS, iniim­bestigahan nila at nirerepaso ang video na nag-viral sa social media na nangyari nitong 29 Setyembre 2018, sabado dakong 6:45 am.

READ MORE:  Goodbye MIASCOR

Nakilala si congressman sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) sa final security check ng terminal 2 na lahat ng departing passengers ay hini­hilingan na maghubad ng sapatos para sa X-ray bilang bahagi ng security measures na ipinatutupad.

Pero alam ba ninyong imbes sumunod ay deadma lang si Cong. Bertiz at tuloy-tuloy na ipinasok ang kanyang sapatos sabay pakita ng ID kung sino siya?!

READ MORE:  Bureau of Immigration ISO-certified na!

Sunod-sunod umano na nilabag ang security protocols sa Palasyo…

Hindi lang ‘yan, hinarbat pa ni Bertiz ang ID ng empleyado. Tinawagan si  GM Ed Monreal para tanggalin umano ang screening officer, at kung ano-ano pang ‘kahangutan’ ang pinag­gagawa sa NAIA.

Mabuti na lamang at may nakakuha ng video.

At siyang nagpakalat sa social media.

Isang malaking kahihiyan ang pinaggagawa ninyo congressman!

Hindi ba’t gumagawa kayo ng mga batas?!

READ MORE:  NAIA illegal boarders, masama pa rin ang loob

E bakit kayo rin ang numero unong violator?!

Hey! Totoo ba ang balita na gusto raw nitong si Bertiz na sunggaban ang iiwanang posisyon ni Secretary Bebot Bello kapag tumakbong senador?!

Arayku!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


6 working days para sa proseso at issuance ng passport ibinida ng DFA
6 working days para sa proseso at issuance ng passport ibinida ng DFA
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved