Thursday , November 13 2025
GMA Gloria Macapagal Arroyo Flood control
GMA Gloria Macapagal Arroyo Flood control

Flood control sa 3 probinsiya sa Central Luzon kailangan — GMA

BINIGYANG importansiya ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo ang isang master plan para sa flood control sa tatlong probinsiya sa Gitnang Luzon kasama ang Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan.

Ayon kay Arroyo impor­tanteng magkaroon ng flood control dahil sa dalas ng sakuna sa bansa.

Sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), iginiit ni Arroyo ang pagtatatag ng Pampanga Delta Develop­ment Program (PDDP).

“I was informed by the DPWH that the feasibility study for the Pampanga River will be opened already this October 11. Noon nga, masama na ang flood noon, tinututulan ng taong bayan, e ngayon lalong sumama nang sumama,” ani Arroyo.

Ayon kay Arroyo importante ang pagtatatag ng Disaster Resilience Department para sa pagtugon sa bagyo at baha imbes short-term mitigation.

Kasama sa meeting ni Arroyo ang mga lokal na opisyal ng Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan.

Aniya ang Pampanga River ay nag-uumpisa sa San Antonio swamps sa Nueva Ecija pababa ng Pampanga at Bulacan.

“So ang pinakanababaha dahil doon ay actually ‘yung Pampanga, ‘yung district ni Congressman Rimpy Bondoc (4th District, Pampanga) at saka ‘yung Bulacan, ‘yung district ni Congressman Sy-Alvarado (1st, Bulacan),” ani Arroyo.

Aniya, ang second phase ng PDDP ay dapat i-prioritize dahil ang first phase ay naputol noong 2002 dahil sa planong pagtatayo ng puerto sa Malolos, Bulacan.

“Magsisimula sa Arayat Mountain, the district of Dong Gonzales, tapos bababa sa district ni Rimpy Bondoc hang­gang sa Calumpit, sa district ni Jonathan. ‘Yun ang gagawing Phase 2 na magsisimula ang feasibility study pag nanalo na ‘yung winning bidder by October 11,” paliwanag ni Arroyo.

“Tapos no’n ‘yung up­stream, ‘yung sa Gabaldon, sa Rizal that will be Phase 3. Kasi doon nagsisimula ‘yung tubig,” dagdag niya.

Ang feasibility study para sa third phase mag-uumpisa sa 2019. “E ngayon noong dumating ang panahon ko, alternate ports natin ay Subic and Batangas. So hindi na issue ‘yun. Issue na lang talaga flood control na lang,” ayon sa Speaker. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PNP Nartatez ICI

Sa Pamumuno ni Chief Nartatez: PNP Pinagtitibay ang Laban sa Katiwalian

Sa pamumuno ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling pinatunayan ng PNP …

James Reid Issa Pressman Karen Davila

Issa nag-breakdown kay Karen; James awang-awa

MATAPOS ang ilang taong pananahimik, babasagin na ni Issa Pressman ang katahimikan sa isang exclusive at heart-to-heart …

Otek Lopez Papa O

Producer/Philanthropist Otek Lopez bibigyang parangal sa Gawad Pilipino

GRATEFUL at thankful ang producer, bBusinessman and philanthropist na si Otek “Papa O” Lopez sa karangalang ibinigay …

Micesa 8 Gaming PCSO - STL QC

Micesa 8 Gaming Inc., mgmt., pinalakas suporta sa  PCSO – STL  sa QC

MULING pinagtibay ng mga ahente ng Micesa 8 Gaming Inc.,  ang pangakong itaguyod ang integridad, …

Raymond Adrian Salceda

Hiling ni Salceda; P3.71B ayuda para sa rehab ng sinira ni Uwan sa Distrito niya

LEGAZPI CITY – Inihayag dito kamakailan ni Albay 3rd district Rep. Raymond Adrian E. Salceda …