Friday , March 29 2024
Jake Cuenca Sab Jose Lungs
Jake Cuenca Sab Jose Lungs

Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play

STAGE actor na rin nga si Jake Cuenca, kung di n’yo pa alam. Magpapangalawang weekend na nga ang pagganap n’ya sa Lungs sa Power Mac Center Spotlight Theater sa Circuit Lane, Makati. Hanggang sa weekend na lang ng October 7 ito itatanghal.

English ang dula, na isinulat ni Duncan Macmillan. Tinanggap ni Jake ang stage project para ‘di magtuloy-tuloy ang kontrabida na n’yang image sa mga pelikula at teleserye.

Kontrabidang-kontrabida siya sa natapos na Bloodsisters ng Kapamilya Network. Iyon ‘yung teleseryeng nagtampok kay Erich Gonzales sa tatlong characters: triplet na nagkahiwa-hiwalay.

“I feel like a very real human being in this play,” pahayag ni Jake sa media. Human being na laging nakikipag-usap ng masinsinan. Human being na walang pinagmamalupitan.

Napaka-challenging ng dula na idinidirehe ni Andrei Pamintuan—dahil dalawa lang ang characters sa play. At 90 minutes silang mag-uusap: isang babae at isang lalaki na mag-asawa. Walang intermission ang dula.

Kabilang sa pag-uusapan nila ay ang pagtatalik nila. At kung hahayaan na ba nilang mauwi ‘yon sa pagkakaroon ng anak.

Mga Kano ang character sa dula. At sa mga Kano, pati na rin sa Europeans, hindi kailangang mauwi sa pagkakaroon ng anak ang pagtatalik. Magkatuwang ang mag-asawa sa pagpapasya kung kailan nila gustong magkaanak. Marunong mag-pills ang mga babae at payag mag-condom ang mga lalaki.

Si Sab Jose nga pala ang katambal ni Jake. Beterana na si Sab sa teatro, bagama’t sa musicals siya madalas na maisalang.

Bihirang mga aktor at aktres ang tumatanggap ng stage play na dalawa lang ang characters. Ang isa sa mga iyon ay si Eugene Domingo. Si Cherie Gil ay walang-takot na gumanap na solo character lang sa isang play ilang taon na ang nakalipas.

Nag-aral ng acting si Jake noon sa Lee Strassberg School sa New York. Mas pang-stage nga ang acting na inaral n’ya roon kaysa pampelikula. Tuwang-tuwa nga siya na magagamit na n’ya sa Lungs ang mga natutuhan n’ya sa Amerika.

May ka-alternate na actor si Jake pero sa September 29 lang ‘yon maisasalang. Si Gab Santos ang ka-alternate ni Jake. Alas tres ng hapon at alas-otso ng gabi ang pagtatanghal kapag Sabado at Linggo. Sa gabi lang ang pagtatanghal tuwing Biyernes.

Tumawag sa Ticketworld (891-9999) para sa presyo at availability ng mga tiket. Puwede n’yo ring i-check ang mga detalye sa website nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Angelica, pinatawad na si John Lloyd
Angelica, pinatawad na si John Lloyd

About Danny Vibas

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *