Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya… I’m going home, I’m tired…”)

Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya… I’m going home, I’m tired…”)

Hataw Frontpage Korupsiyon sinukuan ni Digong

Hataw Frontpage Korupsiyon sinukuan ni Digong

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na pagkasihapyo dahil hindi niya kayang tuldukan ang korupsiyon sa pamahalaan taliwas sa ipinangako niya noong 2016 presidential elections.

Sa kanyang talumpati sa Government Workers Awarding ceremony ka­hapon, sinabi ng Pa­ngulo na pagod na siya, gusto na lang niyang umuwi sa Davao City dahil kahit anong pagsusumikap niya’y patuloy pa rin ang katiwalian.

“Kasi hindi ko talaga kaya ang corruption. Maski anuhin ko. It begins with something like an inaugural thing, the breaking of the ground or the cutting of whatever. It’s given the widest publicity. Three months after, nandoon na sa Ombudsman and then sa Sandigan,” anang Pangu­lo.

READ MORE:  PECO ibasura — Subscribers (Hiling kay Duterte, sa Senado at sa Kamara)

Kaya nang umusbong aniya ang ulat na may ilang grupong nagbabalak na patalsikin siya sa pu­westo, naisip niya na hindi na kailangan gawin ito at siya na mismo’y gusto nang lisanin ang poder.

READ MORE:  Gabinete ni Presidente Duterte ready laban kay Ompong

“Sabi ko, the irony of it all is you want to kick me out, naghahanap lang ako ng rason really I’m going home, I’m tired. ‘Yan ang totoo diyan,” aniya.

Kahit saan aniya ay may korupsiyon, mapa-local  man o sa national government.

“It seems that, ang transaksiyon nang lahat sa gobyerno meron talaga. Maski saan ka magtingin meron. And all — dito sa national pati sa local,” dagdag niya.

READ MORE:  Pinoy lusot sa bitay sa Saudi Arabia

Binigyan diin ng Pangulo, mananatili sa kasalukuyang situ­wa­s-yon ang pamamahala sa Filipinas hangga’t hindi natutuldukan ang korupsiyon kahit umiral ang law and order sa bansa.

“And I will just like to lay the two predicates, unless we stop corruption and unless there is law and order in the Philip­pines, I am sad to say to you, we will never rise from our present level of governance,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved