Categories: News

Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

Share

WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa paha­yag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktu­bre pa siya mananatiling NFA administrator.

Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, ini­linaw ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino sa NFA.

“Tapos na po ‘yang isyu na iyan. I had a talk with SAP Bong Go last night and that issue has been settled; he no longer is NFA,” ani Roque hinggil sa ulat na du­malo pa sa NFA Council meeting kama­kalawa.

Nauna rito’y iniha­yag ni Piñol na hang­gang hindi pa nag-a-assume si Gen. Rolando Bautista bilang kapalit ni Aquino ay mananatili ang huli bilang NFA adminis­trator kahit pa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap na niya ang resignation ng dating opisyal.

Kamakalawa, sinabi ni Roque na si Aquino ang isa sa mga dapat sisihin sa pagbagsak ng trust at popularity rating ng Pangulo dahil sa nilikha niyang krisis sa bigas na nagdulot ng paglobo ng inflation.

Tiniyak ni Roque na kakasuhan niya ng technical malversation, graft and corruption si Aquino para mabulok sa kulungan sa ginawang prehuwisyo sa publiko.

(ROSE NOVENARIO)

Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Sylvia Sanchez at Aiko Melendez, nagtabla sa Best Actress sa 2nd SBIFF

NAGTABLA bilang Best Actress sina Sylvia Sanchez at Aiko Melendez sa 2nd Subic Bay International Film Festival na ginanap last Sunday,… Read More

8 hours ago

Dante Salamat, pangungunahan ang Bonding, Jamming benefit show

PANGUNGUNAHAN ng tinaguriang Cool Boss of It’s Showtime na si Dante Salamat ang isang get together/fund­raising concert and benefit show na lalahukan ng mga… Read More

9 hours ago

Sentido komun ang 24/7 na pagbubukas ng Lacson underpass sa Quiapo

MAGANDANG balita na 24/7 na muling magaga­mit ng publiko ang Lac­son underpass sa Quiapo na pinayagang maisapribado ni outgoing ousted president… Read More

9 hours ago

Sa Speakership race… PDP-Laban solons nagkaisa para suportahan si Cayetano

HINDI man nila kapartido, nagpahayag ng suporta ang  mga kongresista mula sa partidong PDP-Laban sa pangunguna ni Rep. Ronnie Zamora,… Read More

9 hours ago

Sa Speakership race… PDP-Laban solons nagkaisa para suportahan si Cayetano

HINDI man nila kapartido, nagpahayag ng suporta ang  mga kongresista mula sa partidong PDP-Laban sa pangunguna ni Rep. Ronnie Zamora,… Read More

9 hours ago

DAO, estriktong ipatutupad… DTI nagbabala vs substandard flat glass importers & manufacturers

MULING binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang flat glass manufacturers at importers na sumunod sa estriktong pamantayan… Read More

9 hours ago