Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / #YATO, a gift from God — Lance
#YATO, a gift from God — Lance

#YATO, a gift from God — Lance

“SOBRANG bait ng kapatid kong ‘yan. Puwede nga ‘yang magpari.” Ito ang tinuran ni Rannie Raymundo nang makausap namin siya matapos iparinig at ipakita ni Lance, nakababata niyang kapatid, ang bagong single at music video ng You Are The One (YATO) mula sa Viva Records.

Ayon kay Lance, “The song came together out of real love. I wrote this song when I have someone whom I consider, the one in my life. And actually that’s (music) a gift from God. That’s how a song came about sa akin eh.”

Kuwento pa ni Lance, na parang nakikinig lang siya sa radyo habang isinusulat niya ang YATO dahil tuloy-tuloy ang pagkakasulat niya ng lyrics nito. “Hindi ko inisip o na-realize na it’s like listening to the radio and my brain and heard a complete song. It’s like, spontaneous na pagkauwi ko sa bahay inirekord ko na agad siya para hindi ko makalimutan.”

Ang #YATO music video ay tinatampukan nina Lance at ng aktres na si Janna Victoria. Rito’y ipinakikita ang istorya ng magdyowang naranasan din ang trahedyang nangyari kay Lance sa gym maliban lamang sa nangyari iyon sa actor/singer na single siya at kinailangan ng face major reconstructive surgery.

READ MORE:  Apology ni Robin, tanggap ni Maria Ozawa

“After the accident I realized what my actual worth in this world is because during the accident I was faced with the prospect na hindi naman makababalik na ako sa rati, the doctor never gave us assurance if I could walk again. Hindi ko alam kung mabubuo ‘yung mukha ko. But then because I grew up around love and maganda rin ‘yung upbringing sa akin ng magulang ko, na noong sira ‘yung mukha ko and I was wheelchair-bound, I realized na hindi naman nabawasan ‘yung pagkatao ko.

“I’m still Lance. I’m still 100%. So it made me value the inner more kasi nakita ko na kung sakali I spent the rest of my life wheelchair-bound na in society considered ugly siguro, if buo ‘yung pagkatao ko then how can that hamper me from realizing my dreams in this life ‘di ba? So everything outside is just a bonus for me,” paliwanag ni Lance.

Sinabi pa ni Lance na espesyal ang bago niyang single dahil gustong-gusto niya ang awitin na feel good. “This song is about love which is very universal feeling na one way or the other sa buhay nila and I know for a fact this song will meant as a heartbreak and fix trouble relationships.

“So, kung makatutulong ‘yung kanta sa pagbuo ng mga relasyon ng tao, I’ll be very honor na naging conduit itong kantang ito sa pagtulong sa kanila.”

READ MORE:  #Yato ni Lance, ikinokompara sa Why Can’t It Be ni Rannie
READ MORE:  Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas

Samantala, aminado si Rannie na magaling na artista ang kanyang kapatid. At pangarap nilang magkaroon ng indie film na magkasama sila.

“Gusto naming ‘yung parang ‘Prison Break,” ani Rannie. “It’s one of our dreams —to act together. I don’t care if it’s short but I want it heavy as brothers.”

Susog naman ni Lance, “The way I look up Rannie as a musician, I think he also look up to me as an actor. So talagang we compliment each other. We compliment our talents.

“Kuya is the singer in the family, ako ‘yung artista. Kaya I’m kind of visiting his domain now by releasing You Are The One.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted
Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted
Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya
Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved