Tuesday , March 19 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga sasakyan na nag­si­silbing sagabal upang sumikip ang ating mga daanan.

Kabi-kabila ang isinasagawang clearing operations sa iba’t ibang sulok at bahagi ng Metro Manila, lalo sa mga palengke na kadalasan ay halos inaangkin na ng mga vendor ang mga lansangan.

Ang problema ay marami sa ating kababayan ang hindi marunong sumuporta sa pagsisikap na ibinubuhos ng mga taong-gobyerno sa paglilinis ng mga lansangan hangang sa kasalukuyan at naka-focus sa pansariling interes lamang.

Tanggapin natin ang katotohanan na isa sa mga kadahilanan nang walang patid na trapiko ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga sasak­yan pero hindi naman nadaragdagan ang ating mga lansangan at daanan kaya lalong nagsi­siksikan ang mga behikulo.

Idagdag pa rito ang mga kabahayan na matatagpuan sa maliliit at masisikip na lansangan na malaya at walang pakundangang iniiwan ng mga residente na nakabalandra ang kanilang mga sasakyan sa harap ng kanilang mga bahay. Wala silang pakialam kung makapeprehuwisyo man o magsisilbing obstruction ang kanilang sasakyan.

May nakapagsabi na sa Singapore ay walang trapiko. Karamihan sa mga residente roon ay nakatira umano sa mga apartment building o condominium. At ang matindi ay halos kasing halaga ng bayad sa upa ng bahay ang sinisingil sa pagrenta ng garahe. Bihira ang may kotse sa kanila dahil kapag bumili ka ng sasakyan ay may pababayarang certificate bilang buwis na kasing presyo rin ng kotse.

Mas mahal pa ang multa kapag nagparada ng sasakyan sa kalsada roon kaysa pagrenta ng bahay. Higit sa lahat ay hindi raw corrupt ang mga pulis kaya kapag may hinuli sila ay walang lusot dahil hindi uso sa kanila ang kotong.

Dito ay puwede rin higpitan ang ating mga batas at magtaas din ng bayarin sa mga traffic violation para tuluyang madala ang mga motorista at maibsan ang trapiko. Upang matugunan ang problema ng kakulangan ng sariling garahe ay dapat maghigpit din ang mga nagbebenta ng sasakyan. Naniniwala ang Firing Line na hindi dapat bentahan ng sasakyan ang sino man kung wala siyang garahe sa tahanan. Para mapag­bigyan ang mga walang sariling garahe, mas maganda kung makapagpapakita sila ng kontrata na umuupa sila ng parking space para sa kanilang sasakyan.

Sa mga gustong bumili ng higit sa isang sasakyan, kailangan ay makapagpakita sila ng patunay na may garahe sila para sa maramihang sasakyan upang hindi ito maging pakalat-kalat sa lansangan.

Bakit ka bibili ng sasakyan kung wala kang paradahan?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Dragon Lady Amor Virata

Surot, surot at surot pa…

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAPUPULANG pantal at ubod nang kating naranasan ng ilang …

Sipat Mat Vicencio

Sobrang epal ni Bong Revilla

SIPATni Mat Vicencio DAHIL na rin sa mga kapalpakang ginagawa ni Senator Ramon “Bong” Revilla, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *