Thursday , April 25 2024
Tito Sotto
Tito Sotto

Sotto, bumalik na lang sa pagko-compose ng kanta (kaysa pakialaman ang Lupang Hinirang)

MUNGKAHI pa lang naman na hindi kailangang agarin ang pagsasabatas ng ini-raise ni House Speaker Tito Sotto tungkol sa pagpalit ng huling dalawang linya sa ating Pambansang Awit, ang Lupang Hinirang.

Nais kasi ni Sotto na baguhin ito at gawing “ang ipaglaban mo ang kalayaan mo.”

Kilalang kompositor si Sotto, pero para sa amin ay hindi na niya kailangan pang saklawan ang ating national anthem na matagal nang panahong inaawit bilang paggalang sa ating watawat.

Reiterasyon o pag-uulit na lang ang nilalaman ng pitak na ito sa nagkakaisang obserbasyon sa gustong mangyari ni Sotto.

Sa halip nga naman kasi maging pasimuno siya para solusyonan ang implasyon (inflation) sa bansa para tugunan lalong-lalo na ang mga pangangailangan ng mga mahihirap (na bumoto sa kanya), gusto pa niyang pakialaman ang nananahimik na national anthem.

Isang mabigat na pasanin sa balikat ng ating mga mamamayan ang hinayupak na TRAIN Law na ‘yan. Bakit hindi ito ang pagdiskitahan ng nagmamagaling na senador?

Bukod dito’y marami pang suliranin ang pinagdaraanan nating mga Pinoy, halimbawa’y ang war on drugs na ewan kung napanagumpayan nga natin. At marami pang iba.

Minsan nang pinamunuan ni Sotto noon ang drug campaign ng bansa. Hindi man siya ngayon ang naatasang resolbahin ito, kahit paano’y mayroon siyang mga maimumungkahi.

But as it is, national anthem ang focus niya na as if naman, kapag nabago ang dalawang huling linya nito’y makaaahon si Juan de la Cruz sa lugmok nitong kinasasadlakan.

Mabuti pa kaya, eh, bumalik na lang uli sa pagko-compose itong si Sotto. Tutal, doon naman siya magaling.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *