Thursday , October 9 2025

Bagyong Paeng pumasok na sa PAR

PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philip­pine Area of Responsi­bility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation bilang Paeng, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng hapon.

Sa live briefing ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, sinabi ni meteo­rologist Ariel Rojas, ang bagyong Paeng ay walang direktang epekto sa Fili­pinas at hindi pa pina­lalakas ang Southwest Monsoon (Habagat).

Maaaring maaa­pektohan nito ang extreme northern Luzon (Babuyan at Batanes islands) sa Biyernes, 28 Setyembre, ngunit sa ngayon ay hindi inaasahang babagsak sa kalupaan. Ito ay inaa­sahang lalabas ng PAR sa Sabdo.

Sa 4:00 pm weather bulletin, sinabi ng PAGASA, namataan ang bagyong Paeng sa 1,315 kilometers ng silangan ng Tuguegarao City, Caga­yan taglay ang maximum sustained winds na 125 kilometers per hour ma­lapit sa gitna at pagbug­song hanggang 155 kilometers per hour.

Si Paeng ay kumikilos nang pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon sa state weather bureau, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng localized thunderstorms na magdudulot ng ba­hag­yang ulap hanggang sa maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM

Paninindigan ni Marcos laban sa korupsiyon pag-asa ng bayan — Goitia

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa …

PUV stops Marikina DOTr

2 PUV stops itinayo sa Marikina ng DOTr

BINUKSAN na para sa publiko ang dalawang public utility vehicle (PUV) stops sa Barangay Concepcion …

BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

Panganib sa mga magulang at mag-aaral:
BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

ni TEDDY BRUL PATULOY na nalalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga magulang …

SM Cinema Pulilan LGU senior citizens

SM Cinema nakipagkasundo ng pakikipagtulungan sa Pulilan LGU, nag-alok ng libreng movie screening sa mga senior citizens

Sa oras para sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nakipagkasundo ang SM Cinema ng pakikipagtulungan …

Quezon City QC

4 proyekto ng QC-LGU na nakuha ng Discaya companies winakasan na

TINULDUKAN na ng Quezon City local government unit (QC LGU) ang apat na proyekto na …