Thursday , October 9 2025
Jillian Ward Barbie Forteza
Jillian Ward Barbie Forteza

Tween Queen title ni Barbie, ipapasa na kay Jillian

AYON sa nakararami, kung may dapat pagpasahan si Barbie Forteza ng korona niya bilang Tween Queen ng GMA, iyon ay walang iba kundi si Jillian Ward.

Dalaga na si Barbie ngayon at 21 years old kaya hindi na siya tween.

At kung noon ay nakilala bilang child wonder when she started sa showbiz at four years old, now at 13, si Jillian ang sinasabi ng may karapatan na maging reyna ng ng mga female teenstars sa Kapuso Network.

“Thank you po. Talaga po?

“Well masaya po ako siyempre and grateful po ako kung matawag man po ako na ganyan,” pahayag ni Jillian.

Pero kahit walang title na ibigay sa kanya ay okay lang kay Jillian.

“Since talagang ibinibigay ko naman po ang best ko. Pero masaya po ako na nabigyan po ako… na naiisip po nila na parang ganoon po ako ngayon.

“Parang iba na po, hindi na po ‘yung childstar.”

Sikat na child actress si Jillian dati.

Bilang grade seven student ay home-schooled si Jillian at mayroon din siyang tutor na pumupunta sa kanilang bahay.

“Every quarter nag-e-exam po ako sa mismong school, sa Pampanga po ‘yung school.”

Ang Westfields International School ang tinutukoy ni Jillian.

Mataas ang mga grades ni Jillian, more than average ang kanyang Grade Point Average o GPA.

“Basta tutok din po ako sa pag-aaral, siyempre alam ko naman po na hindi forever ‘yung pag-aartista, kaya nag-aaral po talaga akong mabuti.”

Hindi siya nahihirapan na pagsabayin ang pag-aaral at ang showbiz.

“Kasi nasanay na rin po ako na since bata pa lang ako pinagsasabay ko na.”

Four years old pa lamang ay pumasok na sa showbiz si Jillian at mas madali naman ang home-school kaysa regular school. Kahit busy siya ay nakakaya ni Jillian na pagsabayin ang showbiz at ang kanyang pag-aaral.

Napapanood si Jillian sa My Special Tatay na bida si Ken Chan bilang si Boyet na may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

Kasama rin sa show sina Jestoni Alarcon (Edgar Villaroman); Teresa Loyzaga (Olivia Salcedo-Villaroman); Carmen Soriano (Soledad Villaroman); Lilet (Isay); Candy Pangilinan (Chona Mariano).

Regular cast members rin dito sina Arra San Agustin (Carol Flores); Rita Daniela (Audrey Palomares); Bruno Gabriel (Orville Villaroman); at JK Giducos (Dekdek).

Sa direksiyon ni LA Madridejos kasama ang second unit director na si Conrado Peru, napapanood ang My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Xian Gaza John Lloyd Cruz Ellen Adarna Derek Ramsay

Ellen kay Xian: ‘wag ismolin yaman at kakayahan si Biogesic

MA at PAni Rommel Placente MAY isa pang post si Xian Gaza na idinaan sa blind item. …

Chie Filomeno

Chie Filomeno iginiit: I maybe a public figure but I am not a private property

MA at PAni Rommel Placente HUMIHINGI ng privacy sa publiko si Chie Filomeno. Sana raw ay …

MTRCB

MTRCB nag-ulat ng ₱633 million ipon dahil sa maingat na pamamahala ng pondo

INIREPORT ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na may mahigit …

John Calub ibinida Miracles Protocol PEMF gustong ipasubok kay Kris Aquino

John Calub ibinida Miracles Protocol, PEMF, gustong ipasubok kay Kris Aquino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA and istorya ng negosyanteng si John Calub na sa pagnanais na makatulong …

Cherry Pie Picache

Cherry Pie ayaw ng nalalasing

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAHUSAY ni Cherry Pie Picache sa pelikulang The Last Beergin, lalo na sa mga …