Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit
Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad ng Pateros, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Vio­lence Against Women and their Children Act (RA 9262) si Pateros Muni­cipality Vice Mayor Gerald German, 39, resi­dente sa E. Hermosa St., San Roque, Pateros.

READ MORE:  Pemberton ilipat sa regular jail (Giit ng pamilya Laude)

Samantala, ang biktima ay kinilalang si Mary Antonnette German, 38, misis ng bise-alkalde ng naturang lungsod.

READ MORE:  Trabaho ng Senado apektado

Sa naantalang ulat ng SPD, naganap ang insi­den­te sa loob ng bahay ng pamilya German, dakong 7:30 pm nitong 18 Setyembre.

Sinabi ni Pateros Police chief, S/Supt. Julius Coyme, problema umano sa pamilya ang dahilan ng pananakit  at boluntaryong nagtungo ang bise-alkalde sa him­pilan ng pulisya kaugnay ng nangyaring insidente.

READ MORE:  Cop ng Tanza, Cavite sinibak

Sinabi ni Coyme, nag­piyansa ang vice-mayor para sa nasabing asunto.

 (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved