Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia Lopez nakapag-asawa ng milyonaryong dentist sa SanFo (Dating sexy actress at singer)
Julia Lopez nakapag-asawa ng milyonaryong dentist sa SanFo (Dating sexy actress at singer)

Julia Lopez nakapag-asawa ng milyonaryong dentist sa SanFo (Dating sexy actress at singer)

I’M SURE hindi pa rin nakakalimutan ng kaniyang male fans ang dating sexy actress-singer na si Julia Lopez na napanood noon sa sexy films na Bedtime Stories (2002), Sa Piling Ng Mga Belyas (2003),  U Belt Student (2004) atbp.

At dahil maganda na, super flawless at may acting talent ay agad naagaw noon ni Julia ang atensiyon  ng mga kalalakihan na pinagpa­pan­ta­syahan siya. Marunong sa buhay si Julia kay noong panahong kumikita sa pag-aartista at pagso-show sa bansa at abroad ay puro ipon siya sa banko kaya maraming properties ang kanyang nabili kabilang ang townhouse sa Mandaluyong at SUV car.

READ MORE:  Pelikula ni Atom, nakahihinayang

Sa ngayon ay natagpuan na ng nasabing sexy star ang tunay na kaligayahan sa piling ng kanyang pinakasalang doctor sa San Francisco, California na si Dr. Halili, isang dentist at may dalawang pag-aaring dental clinic na kilala sa buong SanFo.

READ MORE:  Wowowin, 3 Linggo ng talo sa ratings; Willie, malungkot ang aura

Nabiyayaan ang mag-asawa ng kambal na boy at girl na parehong nag-aaral na ngayon. Well, sanay na sa magarang lifestyle si Julia at sports car lang naman ang minamaneho niya nga­yon tuwing papasok sa kanilang clinic at pagsundo sa kanilang kids.

Hindi pa rin naman niya nakakalimutang mag-share ng kanyang blessings lalo sa kanyang pamilya at ilang lumalapit sa kanya. “God is good all the time and always! Because Of Him my life is complete now,” sey ni Julia.

READ MORE:  Tetchie Agbayani, na-trauma raw nang mag-pose sa Playboy

Naikuwento rin pala ni Julia nang amin siyang maka-chat nitong Miyerkoles lang na noong magbakasyon raw sa San Francisco si Ara Mina na nakasama niya noon sa isang movie ay sa kanila nag-stay at happy si Julia at pinuntahan siya ng kapwa actress at nagka-bonding sila nang husto.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved