Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Guesting ni Maine sa Ang Probinsiyano, inaabangan; Alden’s fans, nagngitngit
Guesting ni Maine sa Ang Probinsiyano, inaabangan; Alden’s fans, nagngitngit

Guesting ni Maine sa Ang Probinsiyano, inaabangan; Alden’s fans, nagngitngit

RUMESBAK ang fans ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa posibleng pagge-guest nito sa teleserye ni Coco Martin, ang co-star niya sa pelikulang ilalahok nila sa MMFF this year.

Hirit ng mga maka-Alden, wala raw utang na loob at delicadeza si Maine na hindi man lang isinaalang-alang ang kanilang tambalan kahit nabuwag na.

READ MORE:  40 official candidates sa “Miss Millennial Philippines 2018” ipinakilala na sa Eat Bulaga

Adding insult to injury ay ang katotohanang ang katapat pa manding teleserye ni Coco ay ang kay Alden.

Siguro naman ay walang contractual restrictions ang nakapaloob kung sakali mang paunlakan ni Maine ang paanyaya ni Coco sa serye nito.

READ MORE:  Mayamang negosyante, pinagtataguan si Showbiz mother

Malinaw na isang promo stunt lang ‘yon.

With a cast whose members belong to warring TV networks, inaasahan nang magkakaroon ng mutual cooperation as far as promoting their movie is concerned. Posibleng mag-guest din si Coco sa Eat Bulaga.

At anong masama sa sinabi ni Maine na, “Tingnan natin”? Puwedeng matuloy, puwede ring hindi.

READ MORE:  Maureen Wroblewitz may basher agad sa Eat Bulaga (Pretty kasi at sweet type pa)

While the viewers are awaiting her guest appearance, tiyak na roon nakatutok ang madlang pipol more than on Alden’s TV series.

Either way, walang nawala kay Maine, mag-guest man siya o hindi.

Sweet revenge?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved