Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)
Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)

Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)

KUNG dati’y umuusok ang ilong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘pa­ki­kialam’ ni Uncle Sam sa Filipinas, tameme si­ya ngayon sa lantarang panghihimasok ng Ame­rika sa politika ng bansa.

Ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagdalaw ni Josh Morris, chief ng Internal Political Unit ng US Embassy, kay Senator Antonio Trillanes IV sa Senado kamakalawa.

“Yan naman po’y gawain talaga ng mga miyembro ng diplomatic delegation,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa pagda­law ni Morris kay Tril­lanes sa Senado.

READ MORE:  Sen. Angara, isinusulong ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism

Ang pagbisita ni Morris ay naganap isang linggo matapos ang meeting nina  Pangulong Duterte at US Ambas­sador to the Philippines Sung Kim sa Palasyo.

Gaya ni Trillanes, ayaw magsalita hinggil sa meeting nila ni Morris, tikom din ang bibig ni Pangulong Duterte sa huntahan nila ni Sung Kim.

READ MORE:  Kelot tumalon sa footbridge dedo sa ospital (Bahay inagaw ng madrasta)

Kinompirma ni Roque na pinulong ni Pangulong Duterte ang intelligence officials kamakalawa ng gabi sa Palasyo ngunit walang detalyeng ibini­gay sa media.

Kaugnay nito, kom­pi­yansa ang Palasyo na hindi mapatatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte .

“It’s not anything that the state cannot deal with; dream on to those who want to remove the President,” ani Roque.

Kamakailan ay isiniwalat ni Duterte na nakipagsabwatan si Trillanes sa mga dila­wan, maka-kaliwa at sa Magdalo  para patal­sikin siya sa puwesto.

READ MORE:  Walang humpay na pagsirit ng presyo ng gasolina, wala bang epekto sa Duterte admin?

“ Si Trillanes, he’s collaborating, sleeping with the enemy,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na ang intelligence report hinggil sa destabili­sa­s-yon laban sa kanyang administrasyon  ay ibi­nigay ng ibang bansa at ipupursigi ng kanyang mga kalaban sa susu­nod na buwan.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved