Thursday , November 13 2025

Batas Militar

NATATANDAAN ko na Grade 1 ako at nakatira kami sa Leveriza sa Malate nang una kong marinig ang salitang martial law.

Sa munti kong edad ay binalot ako ng takot dahil naririnig ko ang usap-usapan na maraming tao ang hinuhuli ang PC Metrocom (ngayon ay Philippine National Police) lalo na ‘yung mga lumalabag sa curfew hour… bagamat maikli naman ang buhok ko noon ay ewan ko ba kung bakit lalo akong natakot nang malaman na hinuhuli rin daw ang mga batang may mahahabang buhok at sapilitan itong ginugupitan sa Camp Crame.

Siguro natakot ako dahil hindi ko alam kung saan ‘yung Camp Crame ng mga panahong iyon.

Natatandaan ko rin si Sister Francois, ‘yung madre sa Our Lady of Assumption Church sa Leve­riza na nagsasabing manalangin kami para kay Marcos at sa mga pinuno ng pamahalaan upang hindi magkagulo.

Naisip ko lang paanong magkakagulo sa dami ng pulis at sundalo na nakikita namin sa paligid.

Ilan lang ito sa natatandaan ko na nangyari noong buwan ng Setyembre 1972.

***

Taong 1983 nang mamulat ako sa katoto­hanan tungkol sa Martial Law habang nag-aaral sa Pamantasang Santo Tomas. Dito ay nalaman ko na kaya pala ibinagsak ang martial law (ito ay ilan lamang sa mga dahilan) ay upang bigyang laya ang mga dayuhan na lalong makapasok sa ekonomiya ng bansa, upang lalong magtagal si Mar­cos sa poder, upang mawala ang mga tumututol sa lalong pagbubukas ng ekonomiya.

Iyon din pala ang dahilan kaya ang unang bumati kay Marcos matapos niyang ipahayag ang Martial Law ay mga negosyanteng dayuhan at ang Estados Unidos. Ipinagtanggol ni Marcos ang demokrasya sa pamamagitan ng mga hindi demo­kratikong pama­ma­raan. Haha­ha­haha nakata­tawa.

***

Martial Law rin ang dahilan kaya lumawak ang milita­risasyon at naging abuso sa kapangyarihan ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine Constabulary-Integrated National Police, lalo na sa kanayunan.

Militarisasyon ang nagpahirap sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na ‘yung mga na-hamlet sa bayan ng Santa Filomena sa Minda­nao.

Militarisasyon din ang naging sandigan ng mga panginoong maylupa at mga dayuhang nagpapatakbo ng mga dambuhalang plantasyon upang mapangalaagaan ang kanilang mga lupain at taniman.

Militarisasyon din ang dahilan kaya lumabas ang mga organisadong sindikato tulad ng Red Scorpion Group, Abu Sayyaf at mga punda­mentalistang kulto at iba pa.

Ngayon, matapos ninyong malaman ang mga ito, at ito ay ilan lamang sa laksang nakapa­ngingi­labot na resulta ng Martial Law, gusto pa rin ninyo ng Batas Militar?

***

Binabati ko si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr., sa kanyang kaarawan ngayon. Mabuhay kayo Chairman at Maligayang kaarawan po.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang …