Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / RS Francisco super husay na stage actor
RS Francisco super husay na stage actor

RS Francisco super husay na stage actor

Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang “MButterfly” ng actor-businessman na owner ng FRONTROW na si RS Francisco.

Sa movie pa lang niyang “Sibak” noong 90s ay hinangaan na namin. At hanep at habang pinapanood namin si RS sa entablado ng BFF naming si Pete Ampoloquio, panay ang bulungan namin sa sobrang paghanga sa pagganap ni RS bilang si Song Liling, isang Chinese opera singer na kinainlaban nang husto ng French Diplomat (Rene Gallimard).

READ MORE:  Aiza at Liza, sasailalim sa in vitro artificial insemination

Sobrang swabe ang pagbibitiw ng dialogue ni RS na hindi mo pagdududahan ang pagpa­panggap na babae at lalaking-lalaki naman sa ending. Kung ilang beses siyang nagpalit ng outfit rito na sabi ay more than P1 million daw ang ginastos ng production para sa damit ng bidang actor at ng kanyang co-actors sa M Butterfly. Itinuturing ni RS na fulfillment sa kanyang showbiz career at malaking achievement ang magam­panan ang character ni Song Liling.

READ MORE:  Sam Coloso ang beauty queen na pang leading lady

“Dream ko talaga na mai-restage siya. Song Liling is such a complex character. It’s a role to die for. It’s very challenging at dream role ng sinomang actor,” sey ni RS.

Bahagi rin ng play sina Olivier Borten, Norm Mc Leod, Lee O’Brian, Rebecca Chuaunso, Pinky Amador, at Maya Encilla directed by Kanakan Balintagos.

READ MORE:  Hindi ako menor de edad — Pauleen (Sa pagkokompara ng relasyon nila ni Vic kay Ka Freddie at sa 16 y/o GF)

By the way, buong Se­­p­tember mapa­panood ang M Butterfly na dinu­dumog ang bawat palabas sa Maybank Performing Arts Theatre sa BCG.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)
Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)
Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved