Monday , November 17 2025

Oust SGMA bulilyaso

Hataw Oust SGMA bulilyaso
Hataw Oust SGMA bulilyaso

KOMPIRMADO ang balak ng mga kongresista na nasa likod ng mahigit P50 bilyong ‘insertion’ sa 2019 budget ng gobyerno na patalsikin si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kung siya at ang kanyang nga kaal­yado ay hindi mananahimik sa natu­rang isyu.

Sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng Kamara na dahil sa P50 bilyones na ‘insertion’ ay nagkaroon ng kilos ang mga galamay ng dating speaker na siba­kin si Arroyo sa puwesto.

“Kahapon pa ‘yan. Unsanctioned ‘yung meeting ng appro (House Appropriations Com­mittee). Mukhang may plano. Pero nabu­lilyaso,” ayon sa source ng Hataw.

Ang mga ‘insertion’ na ginawa umano sa panahon ni dating House Speaker Panta­leon Alva­rez ay nakaipit sa  iba’t ibang ahensiya ng go­byer­no at nakalaan para sa mga distrito ng iilang ‘favored’ na kongresista.

Ayaw umano ni Arro­yo nang ganito.

Kaugnay nito nagpa­ha­yag si  Rep. Lord Allan Velasco na wala siyang kinalaman sa umano’y pagpatalsik kay Arroyo.

Pinalutang ang pangalan ni Velasco na papalit kay Arroyo.

“I categorically deny any involvement in any plans whatsoever to unseat the Speaker. This also happened before, during the time of the former Speaker, when my name was floated first as a contender for the speaker­ship, or in the alternative, for the post of Majority Leader. As you can see, I didn’t aspire for such positions then,  in the same way that I am not aspiring for the speaker­ship now,” ani Velasco.

Nangako si Velasco na hindi siya kasama sa mga pagtatangkang patalsikin si Arroyo sabay ang pana­wagan na isantabi na ang “rumor-monge­ring.”

Ani Velasco, buo ang suporta nila para kay Arroyo at haharangin ang mga pagtatangkang guluhin mag pagkakabuo ng Kamara.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …