Tuesday , March 19 2024
Vilma Santos

Ate Vi, takbuhan pa rin ng lahat ng mga taga-Batangas

THANKFUL si Ate Vi (Cong. Vilma Santos) na hindi naman masyado ang idinulot na pinsala ng bagyong Ompong sa Lipa. Kahit na nga sabihing Northern Luzon naman talaga ang sinasabing tatamaan ng bagyo, sa lawak ng radius niyon maging ang Batangas ay isinailalim sa typhoon signal. Natural kailangan din silang maghanda.

“Ang nagiging problema kung minsan, kahit hindi naman kabilang sa distrito ko sa Batangas, basta taga-Batangas hindi mo maaaring hindi asikasuhin eh. Ang tingin kasi nila, bilang dating gobernador ng Batangas katungkulan ko pa rin iyon. Hindi ko naman sila maaaring pabayaan.

“Sabihin na nating siguro nga sa mga ganyang sitwasyon, nasanay na silang sa akin tumatawag kaya kahit hindi naman ako ang governor, sa akin pa rin sila nagpaparating ng kanilang concerns. Okey lang naman iyon sa akin, in fact nagpapasalamat ako sa patuloy nilang pagtitiwala.

“Salamat na lang sa Diyos at wala namang masyadong pinsala. Naghahanda pa naman ang Lipa sa pagdating ng puso ni Santo Padre Pio rito sa amin. Tiyak maraming tao ang darating kaya kailangan handa rin kami sa bagay na iyan,” sabi pa ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia

Young beauty queens Marianne at Khristine gustong sundan yapak ni Kathryn 

ni ALLAN SANCON  KASABAY ng paglulunsad ng 3rd edition ng Aspire Magazine na ginanap sa Robinson’s Novaliches …

Pia Wurtzbach Khristine Kate Almendras Ornopia

Pia Wurtzbach idolo ni Miss Universe SuperGrand Prix 2023 Khristine Ornopia

MATABILni John Fontanilla MAGANDA, matangkad, at napakahusay sumagot sa mga katanungan ang 12 year old …

Teejay Marquez

Teejay Marquez dream house ipinagagawa na  

MATABILni John Fontanilla SINISIMULAN nang gawin ang dream house ni Teejay Marquez sa Quezon City. Kuwento nito …

Bong Revilla Jr teachers

Sen Bong kampyon ng mga guro, teaching allowance madodoble na 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMING mga guro ang natuwa dahil aprubado na ng Senado …

Marianne Beatriz Bermundo Catriona Gray

Catriona Gray inspirasyon ng model/ beauty queen Marianne Beatriz Bermundo

MATABILni John Fontanilla BUKOD sa korononang Little Miss Universe 2021 ay dalawa pang korona ang pinanalunan ni Marianne …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *