Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 32 patay, 40 na-trap sa Itogon landslides

32 patay, 40 na-trap sa Itogon landslides

UMABOT sa 32 katao ang patay habang 40 ang na-trap sa pagguho ng lupa sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet, ayon sa alkalde ng nasabing bayan kahapon.

Ayon kay Mayor Victo­rio Palangdan, sini­si­kap ng mga awtoridad na marekober ang 40 ka­tao na na-trap sa bunk­house na natabunan ng lupa sa naganap na land­slide.

READ MORE:  Firing squad sa Pinay iniliban (Sa Indonesia)

“May isang bunk­house ng isang kompanya na may tinatayang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, ‘yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga ‘yun,” ayon kay Palang­dan.

Sinabi ni  Palangdan, natabunan ng lupa ang lumang Benguet Corpo­ration bunkhouse na hinayaang gamitin ng small-scale miners sa kabila na delikado ang nasabing lugar.

READ MORE:  Warning system sa baha, palpak pa rin!

“We know for a fact that this area is dangerous because there is a big tunnel mined by Benguet Corporation a hundred years ago,” ayon sa alkal­de.

Isinisi ni Palangdan ang landslide sa pagmi­mina. Aniya, ipatitigil niya ang mining operation na nagdulot ng sinkholes hindi lamang sa Itogon kundi maging sa ibang lungsod at bayan sa Benguet.

READ MORE:  4 deboto kritikal sa tama ng kidlat (Sa Albay fluvial procession)

“No more mining should be done in this municipality,” aniya.

HATAW News Team


Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)
Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)
COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved