Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cristine sa balitang hiwalay na kay Ali —Tahimik ang buhay ko, maayos ang lahat
Cristine sa balitang hiwalay na kay Ali —Tahimik ang buhay ko, maayos ang lahat

Cristine sa balitang hiwalay na kay Ali —Tahimik ang buhay ko, maayos ang lahat

OKAY naman po ako ngayon. Tahimik ang buhay ko. Maayos naman ang lahat!” Ito ang naging kasagutan ni Cristine Reyes sa mismong presscon ng kanilang up-coming movie, Abay Babes na hatid ng Viva Films at idinirehe ni Don Cuaresma sa katanungan kung kamusta na ang kanyang lovelife?

READ MORE:  Erich at Daniel, napag-uusapan na ang kasalan

Maaalalang naging palaisipan ang paghihiwalay nina Cristine at ng  asawang si Ali Khatibi na mas pinili ng una na manahimik at ‘wag ng magsalita pa sa tunay na dahilan ng kanilang paghihi­walay.

At ng muli itong matanong sa kung may gusto ba siyang baguhin sa nangyaring beach wedding nila ni Ali noong 2016?

READ MORE:  Markus, itinangging nililigawan ang kapatid ni Daniel

Sagot ng flawless na actress, “Uhm, so far, hindi ko pa po naisip iyan. So hindi ko rin alam ‘yung isasagot ko.”

Pero kahit hindi nga naging matagumpay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ni Ali na nauwi sa hiwalayan  ay naniniwala pa rin si Cristine sa kasal.

READ MORE:  Meg, lalaki ang hanap

Kabituin ni Cristine sa Abay Babes sina Nathalie Heart, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, at Miss International Kylie Versoza.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved