Thursday , October 9 2025

Trillanes maaari nang lumabas sa senado

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung dere­tsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala.

Ito ay makaraan ba­wiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Su­pre­ma sa inihaing petisyong kumukuwestiyon sa pagbawi ng pangulo sa amnestiya ni Trillanes, at kabiguang makakuha ng temporary restraining order (TRO) at pre­liminary injuction mula sa SC.

Ayon kay Trillanes, maliwanag ang mga pahayag ni Duterte at ng SC na maaari na siyang makalabas sa gusali ng Senado anomang oras na walang pag-arestong mangyayari.

Ngunit hindi isina­santabi ni Trillanes ang posibilidad na mayroong magtangkang mag-aresto sa kanya sa sandaling lumabas siya ng Senado, kahit walang warrant of arrest. Kung mangyayari ito, sinabi ni Trillanes na maaaring managot ang sinomang aaresto sa kanya nang walang arrest warrant. (NIÑO ACLAN)


Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia BBM

Paninindigan ni Marcos laban sa korupsiyon pag-asa ng bayan — Goitia

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa …

PUV stops Marikina DOTr

2 PUV stops itinayo sa Marikina ng DOTr

BINUKSAN na para sa publiko ang dalawang public utility vehicle (PUV) stops sa Barangay Concepcion …

BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

Panganib sa mga magulang at mag-aaral:
BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

ni TEDDY BRUL PATULOY na nalalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga magulang …

SM Cinema Pulilan LGU senior citizens

SM Cinema nakipagkasundo ng pakikipagtulungan sa Pulilan LGU, nag-alok ng libreng movie screening sa mga senior citizens

Sa oras para sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nakipagkasundo ang SM Cinema ng pakikipagtulungan …

Quezon City QC

4 proyekto ng QC-LGU na nakuha ng Discaya companies winakasan na

TINULDUKAN na ng Quezon City local government unit (QC LGU) ang apat na proyekto na …