Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte

Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador.

Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong nanini­wala kay Trillanes at dating Pangulong Benig­no Aquino IV na mag­punta sa kanila at ilunsad ang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

READ MORE:  HS stud 7 beses tinurbo ni sir (Kapalit ng P150.00)

Ito naman ayon sa Pangulo ay kung kom­binsido ang mga sundalo na may nagawa para sa kanila sina Trillanes at Aquino gaya nang pag­doble niya sa sahod ng mga militar at pagbibigay sa kanila ng sariling armas.

“Kayo mga sundalo, maniwala kayo kay Tril­lanes, maibigay niya lahat ang kailangan ninyo, may nagawa siya para sa inyo, go to Trillanes. I am en­couraging you to stage a rebellion against me,” anang Pangulo.

READ MORE:  Mga pulis sa Okada nabukayo na ni Pangulong Digong

“Ikaw Trillanes, nag­kalat ka, nakulong ka, minumura mo lahat gobyerno, ano ginawa mo maski konti para sa sundalo. Sa Marawi, did I ever see you there. Ako binigyan ko lahat fire­arms, kasi may sparrow. I doubled your salary. ‘Pag tingin ninyo mas mabuti si Trillanes ma­ging si Aquino go to them, stage whatever… I am challenging Magdalo start now. Ipakita natin sa Filipino ang hamon ninyo,” dagdag niya.

READ MORE:  Mocha tatakbo para sa anong puwesto?

ni ROSE NOVENARIO


Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Trillanes maaari nang lumabas sa senado
Trillanes maaari nang lumabas sa senado
COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved