Categories: News

Tserman itinumba sa La Union

Share

PATAY ang isang 63-anyos barangay chairman ng Brgy. San Jose sa Rosario, La Union, nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng SUV, nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng pu­li­sya, nakiki­pagkuwen­tohan ang biktimang si Ruben Genetiano sa tapat ng bahay ng kamag-anak sa katabing-bayan ng Pugo, nang bumaba ng sa­sakyan ang tatlong gun­man at malapitan siyang binaril.

Kabilang sa drug watch list si Genetiano. Nitong Hulyo, inaresto siya makaraan umanong makuhaan ng droga ang kaniyang bahay, ngunit nakapagpiyansa siya kinabukasan.

Gayonman, hinihinala ng kaniyang mga kaanak na politika ang motibo sa pamamaril dahil may nakaalitan umano ang biktima noong nakaraang barangay elections.

May nauna pa ani­lang pagtatangka sa buhay ni Genetiano, ngu­nit nabigo ito.

“Hindi pa rin nila tinigilan hanggang ma­pa­tay nila,” kuwento ng ka­niyang anak na hu­miling na huwag panga­lanan.

Habang sinabi ng pu­lisya na masusing iniim­bestigahan ang posibleng motibo sa krimen.

Dating nanilbihan si Genetiano bilang bara­ngay kagawad nang anim na termino. Pangalawang termino na niya bilang punong barangay nang mangyari ang krimen.


Sa Maynila: Kagawad natagpuang patay sa bahay
hataw tabloid

Published by
hataw tabloid
Tags: patay

Recent Posts

“Lapid Fire” sa DZRJ paboritong program ng overseas Pinoys

IKINAGAGALAK natin ang patuloy na paglago ng mga sumusubaybay sa ating malaganap na programang “Lapid Fire” na gabi-gabing sumasa­himpapawid sa maka­saysayang… Read More

2 mins ago

Tagilid si Sen. Cynthia Villar

KUNG tinitiyak man ng kampo ni Sen. Cynthia Villar na mananalo sila sa darating na May 13 elec­t­ions, hindi nangangahulugang… Read More

11 mins ago

Globe rewards customers nag-donate ng P1.6-M (Para magtanim ng 16,000 puno sa Bukidnon)

“IT is a cause worth every peso and point.” Wala pang isang bu­wan ang nakalilipas, hini­ka­yat ng Globe Telecom ang… Read More

12 hours ago

Ordinaryong Pinoy paano magkakabahay?

HATID ng Bria Homes, isa sa mga nangu­ngunang mass housing developer sa bansa, na matupad ng bawat ordinaryong Filipino ang kanilang… Read More

12 hours ago

Pasasalamat sa ating OFWs

I was not given a day off. I was not even allowed to peek outside a window or step outside… Read More

12 hours ago

‘Mayor’ nahulihan ng shabu sa hoyo

DALAWAMPU’T ISANG plastic sachet ng shabu ang nakompiska sa isang high profile person deprived of liberty (PDL) sa loob ng… Read More

12 hours ago