Categories: News

Waiter nangholdap sa milk tea shop

Share
NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles.
Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan.
“Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya.
Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng suspek ang isang milk tea shop at tinutukan ang cashier. Tinangay niya ang higit P33,000 at umalis agad sa establisi-miyento.
Agad nakahingi ng tulong ang cashier na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nabawi ang perang tinangay.
Depensa ng suspek, nagawa niya ito dahil sa kahirapan, at maysakit ang kaniyang 4-anyos anak. Ayon kay Supt. Andrew Aguirre, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 4, wala pang criminal record ang suspek.
“Wala pa siyang kaso. Talagang baguhan. May pangangailangan sa buhay kaya nagawa iyong panghoholdap,” aniya. Taga-Caloocan ang suspek na nagtatrabaho bilang part-time waiter. Mahaharap siya sa kasong robbery.
Hataw News Team

Published by
Hataw News Team

Recent Posts

Paolo, Christian, at Martin, kinarir ang role sa The Panti Sisters

KINAKARIR nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario ang kanilang role sa pinagbibidahan nilang pelikulang The Panti Sisters… Read More

19 hours ago

Ping reckless and premature — Panelo

“RECKLESS and pre­mature” para igiit ang implementasyon ng Mutual Defense Treaty matapos ang insidente ng hit-and-run sa Recto Bank. Ito… Read More

19 hours ago

Amenities, facilities sa transport terminals iniutos ni Duterte

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nag-uutos sa lahat ng transport terminal sa buong bansa na magkaroon… Read More

19 hours ago

Para pabilisin ang ICT infra: Globe lumagda ng kasunduan sa ISOC, EDOTCO

PUMASOK ang Globe Telecom sa isang tripartite agreement sa ISOC Infrastructure Inc. at Malaysia-based tower giant edotco Group Sdn. Bhd.,… Read More

19 hours ago

Defense chief nanawagan ng kahinahunan sa Recto incident

NANANAWAGAN si Defense secretary Delfin Lorenzana para sa kahinahunan at itigil ang paggatong sa damdamin ng sambayanan sa usapin ng… Read More

20 hours ago

Panaginip mo, Interpret ko: Walang BF nanaginip na may ka-sex

Good day po Señor H, S drim q ksma q dw ang xboyfriend q hnd q nman cya iniicp, pero… Read More

20 hours ago