Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / DFA alerto sa missile attack sa Saudi

DFA alerto sa missile attack sa Saudi

INAALAM ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Filipino sa 23 katao na nasaktan dahil sa missile attack sa residential area sa Najran Saudi Arabia, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Consulate General sa Jeddah, ang missile, ay pinakawalan mula sa Yemen, at matagumpay na na-intercept at winasak ng Royal Saudi Air Defense Forces bandang 8:00 ng gabi.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, ang mga debris mula sa missile ay bumagsak sa residential area, na nagdulot ng minor injuries sa 23 katao sa lugar.
Inaalam din ng konsulado kung may mga nasaktan mula sa tinatayang 7,850 Filipino sa Najran bunsod sa insidente.
COMMENTS
READ MORE:  Mag-utol na Parojinog negatibo sa drug test

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved