Categories: Showbiz

The Hows of Us, record holder, inilampaso ang mga pelikulang Ingles

Share

NGAYON lang nangyari na inilampasong muli sa kita ng isang pelikulang Filipino ang mga palabas na pelikulang Ingles. Maliwanag din sa mga lumalabas na reports, at ka­tu­nayan na sila ay palabas sa mahigit na 400 sinehan, na ang pelikula ng KathNiel ang siyang pinakamalaking pelikula sa taong ito, taob pati ang mga pelikulang dayuhan. Sa “actual gross”, hindi roon sa mga “press releases” lamang, iyang pelikulang iyan ngayon ang record holder ng industriya mula sa simula.

Ibig sabihin, kung ang pagbabatayan ay ang dami ng taong nanood, na base sa kinita ng pelikula. Mahirap mo kasing ikompara iyong kita lamang dahil isipin naman ninyo, mahigit na P200 na ang sine ngayon kung ikukompara ninyo sa P26 lang na bayad sa sinehan noon. Kaya kinukuwenta base sa bilang ng pumasok sa sinehan, na magagawa naman dahil alam kung magkano ang ibinayad ng bawat isa. Aba eh masasabing tinalbugan na nga ng KathNiel maski ang noon ay sinasabing hit na Guy and Pip, at maging ang pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na siyang record holder bago itong The Hows of Us.

Pinirata pa iyang The Hows of Us. Nakakita na kami ng kopya sa Quiapo. Mayroon na ring naglo-load ng pelikula sa USB. Pero sa kabila ng pamimirata, pumapasok pa rin ang mga tao sa sinehan. Basta kasi gusto nila ang pelikula, gusto nilang mapanood iyon nang mahusay. Hindi sila makukuntento lang sa malabong pirated copy. Nakaaapekto lang ang piracy kung hindi naman talaga gusto ng tao ang pelikula at ok na kahit sa pirated mapanood lang. Kahit nga sa Facebook may pirated copies ng pelikula eh.

Pero ang nangyari kasi, nang mapanood nila sa Facebook, aba eh lalo nilang naisip na kailangan nilang panoorin ang pelikula ng KathNiel sa sinehan.

Nasaan na ngayon ang sinasabi nilang krisis sa industriya? Iyong krisis pala kung ganoon ay gawa lang din ng mga film makers na hindi marunong gumawa ng kumikitang pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon


John Lloyd, ‘di na naglalasing
Ed de Leon

Published by
Ed de Leon

Recent Posts

CHIKA MO, VLOG KABOG Mapapanood na simula ngayong May 30 sa FB live at soon sa YouTube

Simula ngayong May 30, Saturday at 7:00 to 8:00 pm ay isang bagong-bagong online show na “Chika Mo, Vlog Kabog”… Read More

9 hours ago

Joshua Garcia, maraming natutuhan kay Daniel Padilla

SA ACTOR’S CUE sa Extend The Love page hosted by Direk Adolf Alix, Jr., ay maraming kuwento si Joshua Garcia… Read More

9 hours ago

Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla

AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig… Read More

9 hours ago

Starstruck First Princess na si Lexi Gonzales, wish magkaroon ng teleserye

KINUMUSTA namin thru FB ang Starstruck Search First-Runner Up na si Lexi Gonzales, kung paano siya nagko-cope-up sa almost three months na pagka-quarantine… Read More

9 hours ago

Filipina na Hong Kong resident suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, I am Cielo Satira, a Filipina, working and residing here in Hong Kong. I believe… Read More

9 hours ago

P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)

BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan.  … Read More

9 hours ago