Categories: Sports

Slaughter tiwalang maaaprobahan ng FIBA (Dokumentong kailangan naipasa na)

Share

NAIPASA na ni Filipino-American Greg Slaughter ang mga kinakailangang doku­mento sa International Basket­ball Federation (FIBA) na mag­pa­patunay ng kanyang eligi­bility bilang isang lokal na manlalaro.

At ngayon, tanging ang maghintay na lamang ang kanyang magagawa na sana ay ituring ng FIBA ang mga dokumento bilang sapat na patunay upang matulungan na niya ang pambansang koponan, pitong taon matapos huling maglaro para sa bayan.

“I got the documents from my parents right away and we sent those over,” ani Slaughter matapos ang ikalawang araw ng pagsasanay ng koponan sa Meralco Gym sa Ortigas Pasig City kamakalawa ng gabi.

Napili si Slaughter bilang isa sa 16-man training pool ng Gilas Pilipinas ni head coach Yeng Guiao para sa napipintong ikalawang round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ito ang kanyang pagbabalik sa national team matapos ang paglalaro na para sa bayan noong 2011 Southeast Asian Games (SEAG) at 2011 FIBA Asia Champions Cup bago siya umakyat sa Philippine Basket­ball Association.

Kasali rin siya sa training pool ng orihinal na Smart Gilas Pilipinas program na binuo ng SBP noong 2009 bukod pa nga ang paglalaro sa University of Visayas sa CESAFI at sa Ateneo sa UAAP.

Ayon kay Slaughter, bukod sa mga papeles ay umaasa siyang sapat na patunay ito na siya ay dapat ikonsidera bilang lokal na manlalaro at hindi naturalized player.

“It’s up to the management and FIBA now, but I think I should be able to play,” ani Slaughter.

“I’ve been in the Philippines basically my whole life. I was even baptized in Cebu as a baby. I’ve been living here 11 years now, studied here, and played in tournaments with the national team. Hopefully, it will come back with a favorable response.”

Sakaling maaprobahan ang papeles ni Slaughter, magiging malaking tulong ito kay Guiao dahil hindi niya na kailangang isama sa line-up bilang natura­lized player si Slaughter katulad nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

ni John Bryan Ulanday

John Bryan Ulanday

Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

Pagtatapos ng Los Bastardos, pinanghihinayangan

MARAMI ang nanghihi­-nayang da­hil matapos ang isang taon, matatapos na pala ang serye na nagtala ng pinakamataas na ratings sa… Read More

3 days ago

Marineros ni Direk Anthony, matino

“NAKALABINDALAWANG pelikula na akong nagawa,” sabi ng director na si Anthony Hernandez. Kahit na baguhan lang, makikita mo naman ang… Read More

3 days ago

Khalil, give-up na sa pagkanta

MAGANDA ang musical-romantic movie na LSS ng Globe Studios na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia na real life couple. Ayon sa dalawang bida, lalo… Read More

3 days ago

Final 6 ng Clique V, matatag, at ‘di mang-iiwan

HINDI natinag ng kanegahan ang all-male-group na Clique V. Naging matatag sila sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanila nitong… Read More

3 days ago

Angel, ‘di nagpakabog kay Maricel

PINALAKPAKAN ang acting ni Angel Locsin sa death scene nina Maricel Soriano at Arjo Atayde sa The General’s Daughter. Hagulgol to the max si Angel habang… Read More

3 days ago

Pagpapatawa ni Empoy, ‘wa na epek

MUKHANG nasasapawan pa ng pag-iibigan nina Lorna Tolentino at Rowel Santiago ang leading stars na sina Coco Martin at Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sabi nga, mukhang may… Read More

3 days ago