Categories: News

Estudyanteng dalagita sugatan sa ‘saksak tripper’ sa loob ng bus

Share
SUGATAN ang 16-anyos estudyante makaraan saksakin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Ginagamot sa Fatima University Medical Center sanhi ng saksak sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang Joysel, Grade 11 student, at residente sa Banana Road, Brgy. Potrero, Malabon City.
Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang pananaksak, tinatayang 30-35 anyos ang edad.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Corazon Nuque, dakong 7:15 am, kapwa nakatayo ang biktima at ang suspek sa loob ng pampasaherong bus habang tinatahak ang kahabaan ng McArthur Highway. Pagsapit sa pagitan ng Shell Gasoline Station at Victoria Court sa Brgy. Potrero, umusog palapit sa biktima ang suspek na armado ng patalim at biglang inundayan ng saksak ang dalagita.
Hindi napansin ng biktima na sinaksak siya ng suspek at nabatid lamang nang ipaalam sa kanya ng kapwa pasahero na siya ay duguan.
Agad bumaba ang biktima, umuwi at nagsumbong sa kanyang ina na siyang nagdala sa kanya sa ospital.
Kamakailan, isang estudyanteng babae rin ang biktima ng pananaksak ng stick ng banana cue sa leeg, ngunit hindi rin niya ito namalayan.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa insidente.
Rommel Sales

Published by
Rommel Sales

Recent Posts

Excitement ni Jimmy, sinalag ni Angel

ANO kaya ang pinagmulan ng galit o nag-trigger kay Jimmy Bondoc para mag-post siya ng tungkol sa isang malaking TV network na… Read More

13 hours ago

Nadine, maka-3-in a row kaya?

SA darating na 35th PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa June 2, 2019 sa Resorts World Manila, nominado si Nadine Lustre for Movie… Read More

13 hours ago

Aiko, back-to-back ang nominasyon

SI Aiko Melendez ay nominado rin sa Star Awards For Movies para sa Best Supporting Actress category para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, na gumanap siya bilang isang… Read More

13 hours ago

Ms. Rhea Tan, umapaw ang ligaya sa idolong si Ms. Korina Sanchez

NAGPAHAYAG nang labis na ligaya ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan nang nakadaupang palad ang… Read More

13 hours ago

Dante Salamat, Best Public Service Awardee ng Gawad Pasado 2019

PINARANGALAN si Dante Salamat sa nakaraang Gawad Pasado 2019 bilang Best Public Service awardee 2019. Si Dante ay isang entrepreneur, coach mentor,… Read More

13 hours ago

10 movie icons pararangalan sa 3rd Eddys (Mga bayani sa likod ng kamera, kikilalanin sa ‘Parangal sa Sandaan’)

SAMPUNG nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)… Read More

13 hours ago