Categories: News

US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

Share

JERUSALEM – Mabu­bunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasun­duan para mabawasan ng US$12,000 ang bina­bayarang placement fee.

Lubos ang naging pasa­salamat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya tuloy maiwasang ikompara ang kabaitan ng mga taga-Israel sa pagma­maltrato sa ibang OFWs sa ibang bansang hindi na niya binanggit ang panga­lan.

“And thank you for hosting almost 28,000 Filipinos. They have been very happy working here, taking care of the aging population of yours, citizens. And I have heard that they have been trea­ted as human beings. Un­like in other places of which I am not at liberty to mention now. But the way that they have been received here, was shown last night by their jubi­lation,” ani Pangulong Duterte.

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Netanyahu sa napaka­laking tulong ng Israel para mabawi ng gobyerno ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.

“Thank you and may we continue to be blessed with a strong relationship. I do not think that there will ever be a time when there is an irritation even between our two coun­tries. We share the same passion for peace. We share the same passion for human beings but we also share the same passion of not allowing our country to be des­troyed by those who have the corrupt ideology who nothing but to kill and destroy,” ani Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)


OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA
Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Negosyong binuksan ni Alma, sinuportahan ni Rei at mga ‘kapatid’

KAHIT more than seven years na ang binibilang ng pagiging magkaibigan, ngayon lang nagkaroon ng tapang ang dating beauty queen… Read More

9 hours ago

Pagpapalaganap ng Bisayan movie, wish ni Tita Glo

ALAM ni Tita Gloria Sevilla na she’s in good hands nang gawin ang Pista ng Pelikulang Pilipino entry, Pagbalik (Return)… Read More

9 hours ago

Marco, nakauna na sa pagpapakita ng wetpaks

SUWERTE naman ni Marco Gumabao nataypan siya ng Viva na i-build-up kapalit ni James Reid. Maraming project si James na tila hindi na matutuloy tulad ng Pedro… Read More

9 hours ago

Singer-actor tablado, ‘di pinayagang makapag- promote

TRUE palang banned ang isang singer-actor na mag-guest sa alinmang programa ng isang network bilang “kaparusahan” sa kanyang in-emote laban dito sa… Read More

9 hours ago

Ai Ai, pinaghahandaan na, tatakbong VM ng Bulacan

NOON pa namin naulinigan na may planong sumabak sa local politics si Ai Ai de las Alas. Nais niyang sungkitin ang… Read More

9 hours ago

KC, may compassion sa bashers, kaya na-good karma

PARANG biglang-biglang may bagong endorsement si KC Concepcion. At natanggap n’ya ang trabahong ‘yon sa panahong bina-bash siya ng ilang netizen dahil… Read More

9 hours ago