Categories: Showbiz

Sarah, nalaslas ang bulsa

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

PARA sa amin, isang malaking insulto para kay Vice Ganda ang nakanselang episode ng Gandang Gabi Vice (GGV)na may promo guesting si Sarah Geronimo for her movie.

Ang tsika, hinarang daw ng kanyang inang si Mommy Divine ang pagpapalabas niyon dahil may hindi umano ito nagustuhan during the interview. Ano, ang tanong ni VG o ang sagot ni Sarah?

Dahil wa nga raw bet ni Mommy Divine ang itinatakbo ng taped episode ay nag-walk out daw ito.

Para sa amin, kinapos ng anticipation si Mommy Divine sa maaaring kalabasan ng panayam kay Sarah.

Kung ie-enumerate namin, hindi napagtanto ni Mommy Divine ang maraming obvious na katotohanang una: naughty host si Vice Ganda pero alam naman nito ang kanyang limitasyon.

Pangalawa, nasa hustong gulang na si Sarah. Pa-cute pa rin ba ang dapat itanong sa kanya?

Ikatlo, umeere sa non-primetime na oras ang GGV. Samakatwid, less ang restrictions dito, bagay na aware si Vice Ganda at ang kanyang buong production staff.

To us, Mommy Divine’s having the episode unaired ay senyales ng kawalan ng acknowledgement sa kakayahan ng mismong host.

Bukod pa rito ang pag-aalinlangan ni Mommy Divine sa kapasidad ng kanyang anak who, we suppose, knows how to carry herself with poise and grace kahit maselan o pilyo man ang itanong sa kanya.

Mas mauunawaan sana namin ang emote ni Mommy Divine kung menor de edad pa si Sarah, eh, hindi naman.

Kung hindi naman pinagmumukhang inagrabyado o binastos ang sinumang panauhin (bagkus ay binigyan pa ng pabor para i-promote nito ang kanyang pelikula o show o kung anupaman), call ‘yon ng programa.

Ang programa o ang staff nito—kabilang ang host—ang masusunod.

Balitang dahil nasayang ang ginastos sa taped episode na ‘yon (where Sarah guested) ay kinailangang bayaran ni Mommy Divine ang cost of production.

Kung totoo, hindi birong halaga ang nalaslas sa bulsa na mukhang pera pa ni Sarah ang ipinambayad, just because maraming bawal o sadyang maarte lang talaga si Mommy Divine.

Juice ko, buti hindi pa nagrerebelde ang anak mo, madir! Dahil kapag nagkaganoon, saan na pupulutin si Mommy Divine?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Ronnie Carrasco III

Published by
Ronnie Carrasco III

Recent Posts

Medical frontliners pakinggan, tulungan, at ating sagipin sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kalusugan (Kung walang remedyo ang gobyerno)

PARA sa mga nagagalit o hindi maintindihan ang mga kababayan nating patuloy at walang takot na nagpapahayag ng kanilang kritisismo… Read More

6 mins ago

Medical frontliners pakinggan, tulungan, at ating sagipin sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kalusugan (Kung walang remedyo ang gobyerno)

PARA sa mga nagagalit o hindi maintindihan ang mga kababayan nating patuloy at walang takot na nagpapahayag ng kanilang kritisismo… Read More

12 mins ago

Sunog sanhi ng jumper at poste ng koryente naibsan sa Iloilo City (Bagong power utility pinuri)

MULA sa dalawa hanggang tatlong  insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter… Read More

16 mins ago

Mega web of corruption: Hirit kay Bong Go ng IBC-13 workers 34-taon kalbaryo tuldukan

ni ROSE NOVANARIO PINASIKAT ng administrasyong Duterte ang slogan na “No to Fake News” bilang pangontra sa umano’y mga pekeng… Read More

27 mins ago

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction… Read More

2 hours ago

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid… Read More

13 hours ago