Categories: Opinion

Walang silbi ang SRP ng DTI

Share

KUNG tutuusin, walang silbi ang ipinagma­mala­king suggested retail price o ‘yung tinata­wag na SRP ng Department of Trade and Industry (DTI).  Dapat ibinabasura na ito ng DTI dahil hindi naman ito sinusunod ng mga tindero at tindera sa mga palengke.

Hindi maaaring ipagpilitan ng DTI na kaila­ngang sundin ng mga negosyante ang nakasaad sa SRP dahil kung tutuusin isa lamang itong mungkahi kung magkano ang dapat na halaga ng produktong kanilang itinitinda.

Kasi nga, ang presyo ng produktong ipinag­bibili ng mga tindero at tindera sa mga palengke ay nakabatay sa halaga ng produktong ibina­bagsak ng “traders” sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Isang malaking kalokohan ang ipinag­ma­malaking SRP ng DTI! Nagsisilbing panakot lamang ito sa mga tindero at tindera lalo kung du­marating ang mga opisyal ng ahensiya na ka­sa­ma ang mga miyembro ng media sa mga merkado.

Aber nga, bakit hindi sila magpunta sa malalaking groceries tulad ng SM, Robinsons at Puregold?

Hinahamon natin itong si Usec. Ruth Castelo ng DTI, bakit hindi ninyo pasyalan ang mga bigtime na groceries sa Kamaynilaan at sitahin ang kanilang mga paninda? Bakit, takot ba kayong banggain ang pamilyang Sy, Gokongwei at Co?

Ang problem kasi sa DTI, magaling lang kapag media mileage ang pinag-uusapan at hindi naman talaga nila natutugunan ang problema sa monitoring ng presyo ng mga bilihin. Sige nga, meron na bang naipakulong ang DTI na mga tiwaling negosyante na malaki kung magpatubo ng kanilang produkto? Wala!!!

Panawagan kay Erap
LUPA SA BINONDO
IBIGAY SA BARANGAY

MAY panawagan ang mga residente at ilang opisyal ng isang barangay sa Binondo, Maynila kay Mayor Joseph “Erap” Estrada na kung maaari lang ay pakialaman na ang umano’y kuwestiyonableng pag-aaring lupa ng isang Amante Lorena na ipinagbili naman daw sa isang Mrs. Yang.

Ang lupang tinutukoy ay nasa Lot 15, block 2013, 354 Juan Luna Street, Binondo, at may sukat na 196.33 square meters, na ayon sa ilang opisyal ng barangay ay malaki ang pagkakautang sa gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng tax nang mahigit 15 taon.

At ngayon ay pilit na humihingi ng certi­fication kay barangay 289 Chairman Nelson Ty itong si Mrs. Yang  dahil binayaran na raw niya umano ang pagkakautang at sa katunayan ay mayron siyang tax declaration.  Katuwiran naman ng barangay official paano nga naman daw niya bibigyan si Mrs. Yang ng certification kung walang titulong pinanghahawakan ang ginang kahit sabihin pa nitong may tax declaration pa siya.

Pero ipinagyayabang umano ni Mrs.Yang na kaya naman daw niyang patitulohan sa Maynila ang nasabing lupa.

Dahil dito, nakikiusap si Chairman Ty kay Erap na pakialaman ang gusot na ito lalo pa’t may balitang may “ini-o-offer” umano sa DENR District officer ang ilang tao para lang tuluyang maibigay sa sinasabing si Mrs. Yang ang lupa.  Hirit ni Chairman Ty kay Erap, ibigay na lang sa bara­ngay ang lupa para tayuan ng barangay hall na pakikinabangan ng lahat ng residente ng nasabing lugar.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Mat Vicencio

Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo

HINDI sapat ang punda­syon ng Chuzon Super­market dahil dalawang  palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag. Ito ang… Read More

2 mins ago

Pampanga isinailalim sa state-of-calamity

MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pam­panga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na… Read More

11 mins ago

Pabukakang pagyakap ni Kathryn kay Daniel, ‘di maganda

TRENDING agad ang sor­presang pagbisita ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa Hongkong. NASA shooting ng Hello, Love, Goodbye ang aktres. Naintindahan namin si Kath kung… Read More

9 hours ago

Yassi, walang malisya ang closeness kay Coco

NAGULAT kami nang makita namin ang mga larawan at video na naka-post sa FB na nagpapakita kina Coco Martin at Yassi Pressman na magkasama sa Japan.… Read More

9 hours ago

Nadine, ‘di sabik palitan si Liza sa Darna

PARANG interesado rin naman si Nadine Lustre na gumanap na Darna, pero hindi naman siya pumopormang atat na atat na mapunta sa kanya… Read More

9 hours ago

Juday, dapat pamarisan; Yohan, ‘di pa pwede mag-social media

KAPURI-PURIang desisyon ni Judy Ann Santos na huwag muna n’yang payagan ang anak na si Yohan na magkaroon ng kahit na anong social media… Read More

9 hours ago