Categories: News

‘Bukbok’ sa bigas pinalaki — Piñol

Share

PINALAKI lang ang isyu ng bukbok sa inangkat na bigas, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol kahapon.

Sinabi ito ni Piñol habang igi-n­i­giit na ligtas kainin ang inangkat na bigas na pineste ng bukbok.

“Itong issue ng bukbok, pinapalaki lang e. Ano bang problema natin sa bukbok?” pahayag ni Piñol.

Nauna rito, sinabi ni Piñol na hindi makasasama sa kalusugan ang pagkain ng bigas na binuk­bok kung ito ay huhugasang mabu­ti. Ipinakita pa ni Piñol kung paano lulutuin ang bigas at ku­main nito.

Punto ng kalihim, hindi tamang itapon ang bigas na binukbok. “I am not saying that I am encouraging bigas with bukbok. Ang sinasabi ko lang, ‘yung suggestion na itapon ‘yung bigas na may bukbok is wrong,” aniya.

“Because ‘yung bukbok ay bahagi ‘yan ng grains industry. Parang langgam na itim ‘yan na nandiyan, nakapulupot, kapag matamis ang prutas,” dagdag niya.

Libo-libong sako ng bigas ang nadiskobreng pineste ng bukbok sa Subic Bay Freeport Zone.

Paliwanag ni National Food Authority spokesperson Rex Estoperez, binukbok ang bigas dahil sa mainit na temperatura sa bodega na pinag-imbakan sa mga bigas.

Habang sinabi ng Bureau of Plant Industry, ang pamemeste ng bukbok ay maaaring sanhi ng hindi wastong fumigation.

Ngunit dahil dito at sa iba pang mga isyu na may kaug­na­yan sa industriya ng bigas sa bansa, nanawagan ang ilang mambabatas para sa pagbibitiw ni Piñol. Bilang tugon dito, sinabi ni Piñol: “Kung pati ‘yung galung­gong at bukbok ay pagre-resign-in natin dahil sa mga bagay-bagay na ‘yan, we’re being very petty about this.”

“Everybody calls for the resig­nation of any­body. But when you are in battle, you don’t pull out your general. You allow them to maneuver and get out of that tight situation,” dagdag niya.

Naghain na ng House resolution na naglalayong imbestigahan ang importasyon ng bigas na pineste ng bukbok.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Carlo, burado na kay Angelica

MARAMI ang nalungkot (na naman!) sa tinuran ni Angelica Panganiban. Na sa mga sandaling ito, “Hindi siya nag-e-exist sa life ko!” Referring… Read More

7 hours ago

Liza, ‘di pa makauuwi ng ‘Pinas, isinagawang operasyon, mino-monitor pa

ONCE ay natiyempuhan naming online ang kaibigan-kumpare at talent manager na si Ogie Diaz. Sinamantala na rin namin ang pagkakataong usisain… Read More

7 hours ago

Kris Aquino, aktibo na muli sa IG; Excited sa gagawing horror project

AKTIBO na muli sa Instagram si Kris Aquino matapos pansamantalang magpaalam sa social media habang sumasailalim sa medical tests sa Singapore at… Read More

7 hours ago

Script ng Feelennials, mahusay; Timing nina Ai Ai at Bayani, nakatatawa

NOONG magpunta kami sa sinehan para panoorin iyong pelikula nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, iyong Feelennials, nakahanda kaming ang mapanood ay… Read More

7 hours ago

Bayani, pang-leading man na!

ANG layo na ng naabot ni Bayani Agbayani. Isipin ninyo, solo bida na siya katambal ni Ai Ai delas Alas doon sa Feelennials. Leading man… Read More

8 hours ago

Pelikulang Feelennial nina Ai Ai at Bayani, patok sa moviegoers!

PUNONG-PUNO ng mga celebrity, VIP, at fans ang premiere night ng pelikulang Feelennial (Feeling Millenials) last Monday sa Cinema 4 ng… Read More

8 hours ago