Categories: Opinion

Kainin mo bigas mo, Jason!

Share

MALAKING kalokohan itong sinasabi ng National Food Authority na walang problema kung kumain daw tayo ng bukbok na bigas. Hindi naman daw ito masama sa kalusugan kahit pa dumaan sa fumigation, basta kailangan daw itong hugasang mabuti bago iluto.

At para raw mapatunayan na hindi big deal ang pagkain ng binukbok na bigas, pangungunahan daw ni NFA Administrator Jason Aquino ang pagkain ng kanin mula sa binukbok at dumaan sa fumigation na bigas.

Napakairesponsable ang pahayag na binitiwan ng NFA. Hindi usapin dito kung kaya bang kumain ni Aquino ng bigas na may buk­bok o hindi. Ang isyu rito, ang bigas, sa unang punto pa lang ay dapat malinis na at talagang fit for human con­sumption dahil ito ang staple food sa bawat mesa ng pamilyang Filipino. Hindi ‘yung palusot lamang, na kesyo walang problema kung binukbok man ito, basta hugasan lang nang mabuti at ayos na iyan sa sikmura.

Ang hirap dito kay Aquino sa at sa ibang mga opisyal ng NFA, talagang maliit ang tingin nila sa masang Filipino, na ayos lang sa kanila ang kumain ng bigas na puno ng peste!

Tama nga siguro ang pahiwatig ng Malacañang na dapat na sigurong buwagin ang NFA dahil tila wala namang silbi ang ahensiyang ito. Kung hindi naman kaagad ito mangyayari, maiging sibakin na lang ni Pangulong Duterte itong si Aquino at palitan nang mainam na opisyal.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Excitement ni Jimmy, sinalag ni Angel

ANO kaya ang pinagmulan ng galit o nag-trigger kay Jimmy Bondoc para mag-post siya ng tungkol sa isang malaking TV network na… Read More

13 hours ago

Nadine, maka-3-in a row kaya?

SA darating na 35th PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa June 2, 2019 sa Resorts World Manila, nominado si Nadine Lustre for Movie… Read More

13 hours ago

Aiko, back-to-back ang nominasyon

SI Aiko Melendez ay nominado rin sa Star Awards For Movies para sa Best Supporting Actress category para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, na gumanap siya bilang isang… Read More

13 hours ago

Ms. Rhea Tan, umapaw ang ligaya sa idolong si Ms. Korina Sanchez

NAGPAHAYAG nang labis na ligaya ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan nang nakadaupang palad ang… Read More

13 hours ago

Dante Salamat, Best Public Service Awardee ng Gawad Pasado 2019

PINARANGALAN si Dante Salamat sa nakaraang Gawad Pasado 2019 bilang Best Public Service awardee 2019. Si Dante ay isang entrepreneur, coach mentor,… Read More

13 hours ago

10 movie icons pararangalan sa 3rd Eddys (Mga bayani sa likod ng kamera, kikilalanin sa ‘Parangal sa Sandaan’)

SAMPUNG nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)… Read More

13 hours ago