Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janah Zaplan, thankful sa nomination sa Star Awards for Music
Janah Zaplan, thankful sa nomination sa Star Awards for Music

Janah Zaplan, thankful sa nomination sa Star Awards for Music

IPINAHAYAG ng fast rising recording artist na si Janah Zaplan ang labis na kagalakan sa nakuhang nominasyon sa gaganaping Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club.

Nominado ang talented na si Jana bilang New Female Record­ing Artist of the Year para sa kanyang single na Di Ko Na Kaya mula Ivory Music and Video Incorporated.

Paliwanag ni Janah, “Well, hindi ko po talaga alam kung anong dapat kong maram­daman noong nalaman kong nominee po ako as the New Female Record­ing Artist po. Sobrang halo-halo po ‘yung emo­­tions ko, I’m honored, grateful and siyempre sobrang happy po.

READ MORE:  Raymart, posible raw maaresto ‘pag napatunayang binubugbog si Claudine

“In addition to that, thankful din po ako sa Star Awards for Music and PMPC for listening to my song and giving it an op­portunity to be part of the award­ing.”

Si Janah ay 16 years old at Grade 11 student sa O.B. Mon­tessori, Sta. Ana. Isa siyang volleyball player, in fact siya ang captain ball ng kanilang varsity team. Bukod sa Di Ko Na Kaya, labas na rin ang bago niyang single na Mahal Na Kita na kap­wa available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.

READ MORE:  Walang offer at walang tampuhan kay Vice Ganda

Si Janah rin together with JR Custodio ang kumanta ng theme­song ng indie movie na Rendez­vous na pinamagatang Alon ng Puso.

Nag-start siya sa showbiz nang pumasok sa Eat Bulaga’s Music Hero, na siya ay naging semi finalist. Pero ayon sa da­lagita, four years old pa lang daw siya ay sumasabak na siya sa pagkanta noon.

Nabanggit din ni Janah ang hinahangaan niyang singer. “Si Sarah Geronimo po,” pakli niya. “Kasi po parang lahat nasa kanya na, total performer, maga­ling siya mag-express ng feelings niya through singing and ‘di lang siya kumakanta, sumasayaw siya, nag-a-acting siya… kaya sobrang idol ko po si Sarah.

READ MORE:  Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa

“Actually, kakapanood ko pa lang po ng Miss Granny and sobrang galing niya roon,” masayang saad ng magandang anak nina Boyet at Dencie Zaplan.

Incidentally, abangan nga­yong Wednesday (Aug. 29) si Janah na binansagan din bi­lang Millenial Pop Princess sa pag-guest niya sa Wish 107.5 Bus.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Reinzl Mae Bolito, proud sa kanilang pelikulang Spoken Words
Reinzl Mae Bolito, proud sa kanilang pelikulang Spoken Words
COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved