Categories: Showbiz

Guesting ni Sarah sa GGV, ‘di ipinaere ni Mommy Divine

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

TALK of the town na naman si Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo na siyang dahilan kung bakit hindi umere ang guesting ng anak sa Gandang Gabi Vice kamakailan.

Nabasa namin ang post ng kaibigang Ogie Diaz sa kanyang Facebook page tungkol kay Sarah.

Kuwento ni Ogie, “According to my source kung paniniwalaan ko, eh nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda. Tulad sa “Guilty Or Not Guilty?” segment ng GGV, sa tanong ni Vice na, “Nakapanood ka na ba ng porn?” Pilyang ngiti daw ang naging reaction ni Sarah tapos sinagot niya ito ng, “Yes, pero ‘yung sa anime lang.

“Pati raw ‘yung kung was there a time na na-experience niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pinati-trim nang pinati-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman ‘yung episode, kaya minabuti na lang na ‘wag na itong iere.

“At kung kilala ko si Vice, feeling ko, “no more next time” na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos. Paano kaya ‘yon, no? Di ipinalabas so ano yon? Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali rin ang dinig ko.”

Sabi naman ng nakatsikahan naming taga-ABS-CBN, ang Viva ang nakiusap na kung puwedeng i-guest si Sarah para sa promo ng Miss Granny.

“Nakiusap ang Viva sabi naming sa taga-Viva, ‘wag na baka masayang lang kasi maraming bawal itanong kay Sarah, eh, knowing Vice, hindi naman wholesome ang mga tanong niyon at saka hindi mo siya puwedeng diktahan kung ano ang puwede at hindi puwedeng itanong kasi show niya ‘yun. Siya (Vice) ang may say doon. Eh, makulit pa rin, eh, ‘di pinagbigyan, tapos ang ending ang daming bawal, eh, wala naman talaga natira na sa interview.”

Ang nanay daw ni Sarah ang nagsabing huwag nang i-ere ang guesting nito.

“Si Mommy Divine naman din mismo ang nagsabing huwag nang i-ere. Feeling ko si Sarah din ayaw ng ipa-ere kasi nga ‘di ba wholesome image siya? Eh, hindi naman wholesome ‘yung mga tinanong tapos kung ano-ano pa isinagot niya sa mga tanong ni Vice,” kuwento sa amin.

May dapat bang bayaran ang Viva sa nasayang na oras ng taping ni Sarah sa GGV na hindi umere?

“No idea kasi higher management na ang kausap nila (Viva/Sarah), basta ang sabi lang hindi na eere ang episode ni Sarah,” sagot sa amin ng taga-Dos.

Ilang taon na ba si Sarah at hanggang ngayon ay marami pa rin siyang bawal gawin sa paningin ng magulang niya?

Well, magulang kasi iyon kaya lang artista ang anak ni Mommy Divine at hindi naman ang GGV ang humiling na i-guest si Miss Granny.

Akala namin ay naglie-low na si Mommy Divine kay Sarah dahil nakikita naming malaya na siyang nakaaalis ng walang chaperon kapag may date sila ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Baka naman may usapan na pagdating sa lovelife ay hindi puwedeng rendahan si Sarah at sa trabaho lang may say si Mommy Divine?

Sayang lang ang GGV guesting dahil ‘yung iba nga gustong-gustong mag-guest kay Vice maski na nababalahura sila dahil malaking exposure ‘yun no!  Lalo’t numero unong pinanonood ng TFC subscribers ang programa bukod sa It’s Showtime at mga teleserye ng ABS-CBN.

In fairness, pitong taon na pala ang Gandang Gabi Vice.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Crazy Rich Asians, pinakamalaking kinita sa ‘Pinas
Reggee Bonoan

Published by
Reggee Bonoan

Recent Posts

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction… Read More

2 hours ago

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid… Read More

12 hours ago

Miggs Cuaderno, espesyal ang natanggap na regalo

SA August 8 ang 16th birthday ni Miggs Cuaderno at maraming fans niya excited makita kung paano ito ipagdiriwang ng actor. May… Read More

12 hours ago

John may hugot — ‘Pag wala ka na palang pera at ‘di na sikat, isa-isa nang lumalayo ang mga kaibigan, kamag-anak

NAIKUWENTO ng may karamdamang actor na si John Regala ang nararamdamang kalungkutan. Nasabi ni John na kapag pala hindi ka na sikat at… Read More

13 hours ago

Tagasubaybay ni Coco, nagbunyi

PARA-PARAAN lang talaga ang buhay-showbiz. Kailangan gumawa ng paraan kapag may problemang napapasukan. Sino ang makapagsasabing ang inakala ng iba… Read More

13 hours ago

Elijah Alejo, na-excite sa muli nilang pagsasama ni Katrina Halili

BAGONG episodes muli ang mapapanood sa Sabado sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.   Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis… Read More

13 hours ago