Categories: Bulabugin

Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!

Share

SIGNOS na ba para sa mga Filipino na ang isang bansang halos taguriang rice granary ay nagkakaproblema sa supply ng bigas sa kasalukuyan?!

Isang nakatatakot na pangitain na baka isang umaga ay wala nang mabiling bigas ang masang Filipino — kaya kahit ang binubukbok na bigas ay pinag-aagawan.

Kung umaangal ngayon sa walang tigil na pagtaas na presyo ng bigas, baka sa susunod ay ‘isubasta’ na ito at ang tanging makabibili ay ‘yung highest bidder.

Mga pangitain lang naman ‘yan — nakatatakot na pangitain — na kahit ang inyong lingkod ay kinikilabutan kapag sumasagi sa ating isipan.

Pero ano ba talaga ang nangyari at nahaharap ngayon sa ganitong situwasyon ang bansa sa isyu ng bigas?

Dati ay mayroong NFA Council na binubuo ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya at pinag-uusapan doon kung paano matitiyak na hindi maaagrabyado sa bilihan ng bigas ang mga local producer.

Mismong si CabSec Jun Evasco at NFA administrator Jason Aquino ay nagkagirian dahil pinipilit noon ni Aquino na mag-angkat ng bigas ang NFA.

Pero para kay CabSec Jun, dapat i-prioritize ng NFA ang pagbili ng bigas mula sa ani ng ating mga magsasaka kaysa mag-import agad.

At kung papayagan umano ang importasyon, hindi ang gobyerno ang dapat mag-import kundi private sector.

Nagkaroon ng matinding banggaan sa isyung ito na ang naging resulta ay tinanggal si Evasco sa NFA Council at pinayagan ang pag-aangkat  ng bigas. Ipinamahala na ito kay NFA admin Jason.

Kaya nagugulat tayo kung bakit matindi ang isyu ngayon sa bigas.

Ano ba ang nangyari sa rice importation?

Ang biglaang pagtaas ng presyo ng bigas sa Zamboanga dahil sa kakapusan umano ng supply ay isinisi sa ‘pagsugpo’ umano sa smuggling.

Ibig sabihin kung may smuggling may supply ng bigas?!

Wattafak?!

Kaya ang ginawa naman nitong si Agriculture Secretary Manny Piñol ay nag-imbuwelta ng  rice supply ng  Tawi-Tawi sa Zamboanga.

Pero sa kabila nito, rice importation pa rin ang sagot sa nagbabantang krisis ng bigas.

Kahit mayroong mga panukala na suportahan ang mga lokal na magsasaka para yumabong ang kanilang ani na makatutulong para huwag umangkat nang malaking volume ng bigas.

Pero sa mataas na presyo binhi at pataba ay lugi na ang mga magsasaka, ‘e bakit pa nga na­man sila magkakandakuba sa pagtatanim ng palay?!

‘Yan, nagkahetot-hetot tuloy ang industriya ng bigas…

Mukhang kinakapos na ng mahuhusay na ‘adviser’ o ‘consultants’ ang ahensiya na dapat magtiyak na hindi magugutom ang sambayanang Filipino.

Hindi kaya kailangan na rin ng ‘brain im­portation’ para maging brainy naman ang economic at food managers natin sa kasalukuyan?!

Hay kung puwede lang sana…

Pero pakiusap lang, huwag namang hayaang ang maliliit na mamamayan ang mahirapan para ma-satisfy ang ‘ego’ at ‘bulsa’ ng mga nakikinabang sa industriya ng bigas.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Police retirees nakikiusap na ibigay na ang pension differential
Retiradong pulis may pa-sugal lupa!?
Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13… Read More

2 mins ago

Resort casino ‘bet’ ng Villars

HINDI pa man naipoproklama, pumutok na nitong nakaraang araw na pabor si Madam Cynthia Villar sa pagpasok ng mga investor… Read More

5 mins ago

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13… Read More

44 mins ago

Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs

NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement  Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihi­nalang miyembro… Read More

11 hours ago

Navotas child protection unit pinasinayaan

BINASBASAN ang Women and Child Protection Unit sa Navotas City Hospital na ipinag­mamalaki  nina  Navotas City Mayor at ngayon ay congressman-elect John Rey… Read More

11 hours ago

5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte

NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang… Read More

11 hours ago