Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bida ng Spoken Words, trip sina Liza at Gabbi
Bida ng Spoken Words, trip sina Liza at Gabbi

Bida ng Spoken Words, trip sina Liza at Gabbi

MAITUTURING na blockbuster ang premiere night ng pelikulang Spoken Words na idinirehe nina Ronald Abad at John Ray Garcia na ginanap last Aug.25 sa Cinema 6 ng SM North Edsa kung dami ng tao ang pagbabasehan.

Dumagsa ang mga nanood ng pelikulang tumatalakay sa mga millennial na dumadaan sa depresyon at kung paano ito nalagpasan at ginawang positibo. Ang Spoken Words ay pinagbibidahan ni Erwin Bautista Buenaventura na dumaan sa audition bago nakuha ang pagbibida.

Ilan sa mga showbiz It Girls na gustong makatrabaho ni Erwin ay sina  Gabbi Garcia at Liza Soberano na ayon sa binata ay parehong maganda, Pinay ang dating at mahusay umarte.

Kabituin ni Erwin sa Spoken Words sina Abe Herma, Jon Romano, Reinzl Mae Bolito, Matt San Juan, Mich Rapadas, Marco Novenario, Jay Novenario, Viel Velasco, Diane Antonio, John Patrick Picar, Bernice Aquino, Bavick Revil, at ang singer na si Erika Mae Salas.

MATABIL
ni John Fontanilla


Pop Princess, outstanding ang galing sa Miss Granny
Pop Princess, outstanding ang galing sa Miss Granny
Ria, kinikilig kina Kathryn at Daniel
Ria, kinikilig kina Kathryn at Daniel

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top