Categories: Showbiz

Sarah Geronimo, inilampaso ang mga kasabayang pelikula

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

MINSAN matutuwa ka rin naman sa nagiging resulta ng mga pelikulang Filipino. Iyong pelikula nina Sarah Geronimo at James Reid, kumita raw ng P7.8-M sa unang araw. Kumita iyon nang mahigit na P13-M milyon hanggang sa ikalawang araw.

Iyon lang ang aming narinig at naniniwala nga kami sa sinasabi ng ilan na inilampaso niyon sa takilya ang mga kasabay nilang pelikula, pati na ang mga foreign film. Noong first day ng pelikula, nadaan kami sa isang mall malapit sa amin, na mayroon lamang limang sinehan. Iyong pelikula ni Sarah ay palabas sa isang sinehan at may naka-schedule na anim na screenings. Iyong isang pelikulang Ingles na inaasahan nilang kikita rin ay naka-slide screening. May kahati iyong isa pang pelikulang Ingles na horror sa isang sinehan at nagkaroon lamang ng dalawang screenings.

Iyang mga pelikula, binibigyan iyan ng slide screening kung sa palagay ng mga sinehan ay mahina. Hindi nagbago ang sitwasyon dahil nang madaanan namin iyon ng araw ng Linggo, naka-slide screening pa rin. Ibig sabihin niyon hindi lumakas.

Ang biruan nga namin noong isang kaibigan namin, baka naman sakaling lumakas iyon kung ang mga manonood ay bibigyan ng libreng siopao.

Minsan nakatutuwa na ang mga pelikulang Filipino ay mas kumikita kaysa mga pelikulang Ingles. Ganyan naman ang sitwasyon noong dati eh. Maski iyang Rambo, noong araw pinataob iyan ng isang pelikula ni Sharon Cuneta. Iyong mga malalaking pelikula noon, aba eh umiiwas sa pelikula ni Vilma Santos. Noong panahong iyon, mga dekada 80 hanggang early 90’s, namamayani sa sinehan ang mga pelikulang Pinoy. Bumaliktad nga lang iyan noong nagkasunod-sunod na ang mga pelikulang Pinoy na walang kuwenta na kung tawagin noong una ay pito-pito, tapos naging indie na.

HATAWAN
ni Ed de Leon


Pagkapikon ni Goma, nabura ng accomplishment ng Ormoc
Ed de Leon

Published by
Ed de Leon

Recent Posts

25th Asian TV Awards Festival Opens Call for Entries

After the success of this year’s first-ever Manila-hosted 24th Asian Television Awards (ATA) last January 10 to 12 at Resorts… Read More

1 day ago

Divina Valencia handang magpaluwal sa DNA Test para kina John Regala at sa hindi kinikilalang anak na lalaki sa isang Japayuki

DURING her prime ay isa sa malapit na kaibigan ni Divina Valencia, sa showbiz ang kamamatay na si Ruby Regala,… Read More

1 day ago

Matt Evans, dumaraan sa mga pagsubok

MARAMING malapit kay Matt Evans ang nalungkot sa pagkakaaresto sa actor kamakailan. May kauganayan ito sa kasong Republic Act 9262… Read More

1 day ago

Allen Dizon, patuloy sa paghakot ng awards sa pelikula at telebisyon

PATULOY sa pagratsada ang award-winning actor na si Allen Dizon sa paghakot ng acting awards. Maging sa role man na… Read More

1 day ago

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa… Read More

2 days ago

Residente ng SJDM City nangamba sa lockdown

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga-taga San Jose Del Monte City sa napipintong lockdown na ipapatupad ng lokal na pamahalaan pinamumunuan… Read More

2 days ago