Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erika Mae Salas, thankful sa pelikulang Spoken Words
Erika Mae Salas, thankful sa pelikulang Spoken Words

Erika Mae Salas, thankful sa pelikulang Spoken Words

 

NAGPAPASA­LAMAT ang newbie actress na si Erika Mae Salas na ma­pa­bilang siya sa casts ng peli­kulang Spoken Words mula sa RLTV Ente­rtainment Pro­ductions at Infinite Powertech at sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia.

Gaganapin ang premiere night ng Spoken Words sa SM North EDSA, Cinema 6 ngayong Saturday, August 25.

Ayon sa dalagita, malaking blessing sa kanya ang pagka­kasali sa pelikulang ito. “I am so blessed and honored po na makasama po sa Spoken Words. Since this is my first movie po, marami po akong natutuhan and sobra po akong nag-enjoy dito,” saad ng singer/actress.

READ MORE:  Bida ng Spoken Words, trip sina Liza at Gabbi

Ang role niya sa pelikula ay si Aira, siya ang tumatayong bestfriend ng kapatid ng bida at may crush sa kanyang kuya. Inilarawan ni Erika Mae ang character niya sa pelikulang ito bilang isang kikay girl.

READ MORE:  Reinzl Mae Bolito, proud sa kanilang pelikulang Spoken Words

“This movie po, made-des­cribe ko po siya as ‘pang-pamilya.’ Since it’s a family-oriented po and ipinapakita po rito how millennials act nowadays. Marami po silang matututuhan dito and sigu­rado pong mae-enjoy nila ang movie,” nakangiting saad ng talented na recording artist ng Ivory Records.

Nabanggit din ng young actress ang aral na mapu­pulot sa kanilang pelikulang Spoken Words. “Ang aral na mapu­pulot sa movie ay love your family and your parents knows what’s best for you. Kaya teenagers need to be more open po sa kanilang mga magulang and huwag kini­kimkim lamang ang kanilang mga problema.”

READ MORE:  Higanti nina Assunta de Rossi at Jay Manalo, palabas na ngayon!

Tampok din sa naturang pelikula sina Erwin Buena­ventura, Matt San Juan, Mich Rapadas, John Patrick Picar, Patrick Alba, Marco Nove­nario, Reinzl Mae Bolito, Rodel Girard Formaran, Renz Ga­brielle Clemente, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved