Monday , September 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay secretary itinumba sa harap ng barangay hall
Barangay secretary itinumba sa harap ng barangay hall

Barangay secretary itinumba sa harap ng barangay hall

BINAWIAN ng buhay ang isang barangay secre­tary sa Maynila makaraan siyang pag­ba­barilin ng isang lala­king nakamotorsiklo sa tapat mismo ng mata­ong barangay hall na maraming bata ang naglalaro.

Ang sekretaryang biktima na kinilalang si Julio Turla ng Brgy. 314, sinasabing galit sa mga nagdo-droga, ay nakaupo sa kanto ng Teodora Alonzo at Lope de Vega streets, nitong Miyerkoles pasado 2:00 pm, nang mangyari ang pamamaril.

Ayon kay Azucena Aure, kagawad ng Brgy. 330 Zone 33, matagal na niyang kilala si Turla na dati rin kagawad.

“Hindi talaga guma­gamit, galit nga ‘yan sa mga nagda-drugs… two years ko ‘yang kapit­bahay,” sabi ni Aure.

Masusing iniimbes­tigahan ng mga awto­ridad ang pagpaslang sa biktima.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top