Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Bato’ sa 2019 elections hindi kaya maging bato ang boto?
‘Bato’ sa 2019 elections hindi kaya maging bato ang boto?

‘Bato’ sa 2019 elections hindi kaya maging bato ang boto?

READ: Pamilya Villar interesado bang makopo ang Boracay?

NAGULAT tayo nang makita natin sa line-up ang pangalan ni dating PNP chief, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saan kaya nanggaling ang lakas ng loob ni Gen. Bato?

Kay Pangulong Digong?!

Hindi kaya naiisip ni Gen. Bato na walang natuwa sa maraming patayan na naganap sa ilalim ng kanyang termino bilang PNP chief?!

At sa kabila ng mga patayan na ito, hindi na­man natapos ang problema sa ilegal na droga.

Ngayon nga ay tila lumakas pa ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa.

Wala naman kasing napatay na big time drug lord maliban sa erpat ni Kerwin at ang mga Parojinog sa probinsiya.

Sa Metro Manila, pawang ‘small fish’ lang at karamihan ay mga kabataan pa ang natokhang.

Tsk tsk tsk…

Tapos ngayon kompiyansa si Gen. Bato na iboboto siya ng maliliit nating mga mamamayan?!

Hindi kaya ‘bato’ ang makuha ninyong boto Mr. General?!

Baka may ibang ‘career’ pa Mr. General, may panahon ka pang umatras…

‘Wag din masyadong mangarap…

Hik hik hik!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top