Categories: Showbiz

Nate, nadiskubreng dating asawa ni Ogie si Michele kay Google

Share

IKINUWENTO ni Ogie Alcasid ang tungkol sa pagkakadiskubre ng anak nila ni Regine Velasquez na si Nate ukol sa dating asawa ng singer aktor at ninang ng kanilang anak na si Michele Van Eimeren.

Nagkukuwento kasi si Ogie tungkol sa mga anak niyang sina Leila, Sarah, at Nate, ”Yung mga anak ko, uuwi, eh. Well si Sarah pala, uuwi. First time silang tatlong…”

Guests ni Ogie ang tatlong anak niya sa kanyang anniversary concert at first time itong magaganap.

Uuwi si Sarah from Australia, si Leila naman ay naririto na sa Pilipinas at isa ng singer.

“Ten years ago, ang kasama ko sa stage si Leila, pero hindi naman siya kumanta.

“Sa Araneta rin, ‘yung kinantahan ko siya, tapos si Sarah, baby pa noon, well siguro mga seven years old.”

Hindi pa ipinapanganak si Nate noong mga panahong iyon at ngayon ay recording artist na si Leila.

“At saka ang galing niya, ang galing niyang magsulat.”

Sa concert ni Ogie ay may production number silang apat na mag-aama.

“Maggigitara ako, gigitarahin ko ‘yung ginawa kong kanta for Leila noong baby pa siya, it’s called ‘When I See You Smile.’ Kasi tinatanong ko kay Leila, ‘What can we sing together?’

“Sabi niya, ‘I think we should sing the song you wrote for me when I was a baby.’

“So ipinadala ko kay Sarah ‘yung study namin ni Leila, tapos inaral niya. Tapos si Nate, medyo alien ‘yun eh, kaya isang pakinig lang niya alam na niya,” na ikinatawa ni Ogie.

Hindi lamang sina Leila at Nate ang mahusay umawit, pati rin pala si Sarah.

“Magaling ‘yun! Magaling ‘yun.”

Kaya may isa pa siyang ilo-launch na career pagkatapos ni Leila, ang career ni Sarah.

“Ewan ko sa kanya. Nasa sa kanya ‘yun, eh nasa high school pa siya, eh.”

Gusto ba ni Sarah na maging singer?

“Parang, pero marami siyang… gusto niya ring maging doktor, gusto niyang maging…

“Pero siya talaga ‘yung kumakanta kasi kasama siya sa Glee Club.

“Si Leila kasi parang late bloomer, eh. More of lately lang niya na-discover na gusto pala niya. Ang gift niya talaga, pagsusulat.”

Dito na nabanggit ni Ogie ang tungkol kay Nate.

“Tapos ang nakakatawa nito, kasi siyempre si Nate ‘pag nakikita niya ‘yung ate (Leila) niya, siyempre, ‘Ate ko, bakit hindi ko naman kamukha?’

“Di ba, parang…

“Siguro sa utak niya ‘yun, ‘di ba, so sabi niya…

“Kasi kami balak naming sabihin kay Nate, ‘pag mga ten na siya. ‘Yung para medyo maiintindihan niya.”

Pero magse-seven years old pa lamang si Nate ay nalaman na nito ang sitwasyon.

“Sabi niya ba naman sa nanay niya, ‘Mommy, Dad was married to Ninang Michelle!

“Sabi niyang ganoon! Si Regine, parang, ‘Ha?! How did you know?’ ‘I Googled it!’”

Ano ang sagot ni Regine?

“Tapos sabi namin, ’How do you feel?’ ‘I’m happy’, sabi niya, ‘It’s okay!’

Paano na-Google ni Nate?

“Siguro nakikita niya.

“Tapos sinabi ko kay Michelle sabi ko, ‘O, Nate knows already.’

“Sabi niya, ‘Oh no! Is he okay?’

“Kasi iyon ‘yung concern… ‘Yeah, he’s very happy!’

“At least hindi na namin kailangang sabihin pa sa kanya, Nai-google na niya, eh.

“At tsaka siyempre, minsan ‘pag nagkukuwentuhan kami ng ate niya, ‘O you remember, when you were a baby we used to go there.’

“So siyempre naririnig niya, ‘Baby?!’

“Nagtataka siya. So… eh matalino ‘yung bata, he’s very receptive.”

Hindi alam ni Ogie ang totoong rason at naisipan ni Nate na mag-Google.

“Basta, pero at least, ‘di ba?”

Techie pala si Nate.

“Lahat naman ng bata ngayon, techie, eh!”

Ayon pa kay Ogie , ay tuwing weekends lamang puwedeng gumamit ng iPad si Nate at pambata ang mga apps sa gadget nito.

Samantala, guests sa Ogie Alcasid 30th Anniversary sina Vice Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee and Ms. Regine Velasquez-Alcasid! To be directed by Paolo Valenciano and with Maestro Gerard Salonga as Musical Director.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Rommel Gonzales

Published by
Rommel Gonzales

Recent Posts

Wendell Ramos, nagbabalak tumakbong kongresista

NAPASABAK na ang Kapuso actor na si Wendell Ramos bilang bumbero. Naranasan na niya kung gaanong kahirap maging fire volunteer.   Sa impormasyon naming… Read More

2 mins ago

Super Tekla, tinanggap na muli ni Willie sa Wowowin

MALAMANG na mas lalo pang gaganda ang buhay ni Willie Revillame dahi pinatawad at  tinanggap na n'ya muli si Super Tekla sa game show… Read More

5 mins ago

Dingdong, na-overcome ang takot sa daga

NAKATUTUWA ang kuwento ni Descendants of the Sun lead actor Dingdong Dantes tungkol sa kanyang naging face-off sa isang daga na umaaligid sa kanilang… Read More

6 mins ago

Michael V, avid fan ni Iron Man

NOON pa man ay avid fan ng Marvel Cinematic Universe ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. Madalas din niyang sabihin na… Read More

8 mins ago

Stand-up comedians nagbuo ng online show para ipantulong sa mga staff ng comedy bar

BAGO naging artista, isa munang stand-up comedian si Vice Ganda. Napapanood siya rati sa mga comedy bar na Lafflne at Punchline. Kaya naman sobrang… Read More

21 mins ago

Male starlet model, nakabili pa ng kotse kahit walang taping at modelling

DAHIL sa lockdown, walang taping, wala ring modelling jobs, pero ang isang male starlet-model nakabili pa ng isang bagong kotse na ipinagyayabang… Read More

27 mins ago