Tuesday , September 23 2025

Maraming ‘Ninoy’ kailangan ng bansa — Duterte

KAILANGAN ng Filipi­nas ng maraming “Ninoy Aquino” upang magka­roon ng mas magandang kinabukasan.

“In this time of real and lasting change, we need more citizens like him so we can steer our country towards the direction where a brighter and better future awaits us all,” ayon sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-35 ani­bersaryo nang pagpas­lang kay dating Sen. Be­nigno “Ninoy” Aquino, Jr. kahapon.

Hinimok ng Pangulo ang mga pinuno ng bansa na gayahin ang pagma­mahal sa bayan ni Ninoy at komitment sa serbisyo-publiko.

“Let us take this opportunity to reflect on his sacrifice as we honor the courage and patrio­tism that Ninoy demon­strated during his strug­gle. May his dedication to his cause serve as a guide post for our current lead­ers in government as they advance the welfare of our people, especially the oppressed and margi­nalized,” anang Pangulo.

Nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na magtulungan upang maipatupad ang mga reporma na magtutuldok sa mga suliranin ng lipunan na nagiging sagka tungo sa pagkakaroon ng matatag na demokrasya.

Ang pagpatay kay Ninoy sa Tarmac ang naging hudyat sa pag­bag­sak ng rehimeng Mar­cos noong 1986.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Goitia: Kaguluhan Nabigo, Diwa ng Pilipino Nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …