Categories: Opinion

Census ng pulis sa barangay, naaayon ba sa batas?

Share

NAPUKAW ang ating atensiyon sa mga tanong ng isang kaibigan na nai-post niya sa Facebook kamakailan lang. Legal bang magsagawa ng census ang mga lokal na pulis sa mga bahay-bahay sa barangay? May karapatan ka bang tumanggi na sagutin ang Census Form?

Ayon sa kaibigan natin, nagbahay-bahay ang mga pulis sa kanilang barangay sa Cainta nitong Sabado. May dalang ‘barangay census form’ ang mga pulis. Pinasasagutan sa mga residente at babalikan nila umano sa susunod na mga araw.

Bagamat barangay census form ang nakalagay sa dokumento, nagtataka ang mga residente kung bakit mga pulis ang namamahagi nito at hindi mga kawani ng barangay. Kaninong proyekto ba ito: sa pulisya o sa barangay?

Hindi sana maaalarma ang mga residente kung simpleng impormasyon lamang ang hinihingi sa census form. Lahat ng impormasyon tungkol sa pagkatao ng residente ay dapat daw ilagay sa dokumento. Kasama na rito ang araw ng kapanganakan, timbang, taas, relihiyon at e-mail address.

Interesado rin ang mga pulis na malaman kung saan at kailan ka nagtapos ng elementarya, high school at kolehiyo. Pati employment record, kailangang ibulatlat mo. Kung saan ka dati nagtatrabaho at kung ano ang kompletong address nito.

Hindi lang mga impormasyon sa padre de pamilya ang kailangan ng mga pulis. Lahat ng kasama nito sa bahay, kailangang naka­bu­yangyang ang pagkatao sa census form. Pati na rin lahat ng sasakyan mo, kulay nito at plate number.

Naiintindihan natin kung bakit interesado ang mga pulis o mga opisyal ng barangay sa mga impormasyong ito. Malamang na gusto lamang nilang kilalanin ang lahat ng residente sa barangay at matiyak na walang masamang loob na gumagala rito. Malaki nga naman ang maitutulong nito sa pagpapatupad ng batas at paglaban sa krimen.

Ang nakatatakot, hindi natin alam kung saan mapupunta ang mga impormasyong ito at kung paano masisigurong hindi mapupunta sa kamay ng masasamang loob ang mga sensitibong datos. Iipunin ba ang mga census form sa bara­ngay hall? Saan itatago ang mga dokumento? Sino-sino ang makakikita nito? Ipapasok ba ang mga datos sa computer? Paano panganga­lagaan ang mga datos?

Ang mga katanungang ito ang nagbunsod sa Kongreso para magpasa ng Data Privacy Act, isang batas na layong protektahan ang mga impormasyon at datos ng mga mamamayang Filipino. Sa pagkakaalam natin, lahat ng mekanismo ng gobyerno na layong kumuha ng impormasyon sa mamamayan ay kailangang naaayon sa nasabing batas.

Itinakda ng batas ang pagtatayo ng National Privacy Commission, isang sangay ng gobyerno na magtitiyak ng kaligtasan ng impormasyon tungkol sa isang indibibwal. Alam kasi ng gobyerno na mahalagang mapangalagaan ang mga nasabing impormasyon. Kung mapupunta sa mga kamay ng kriminal, maaaring magamit ang mga impormasyon sa transaksyong ilegal.

Kilala natin ang chairman ng nasabing komisyon, Si Raymund Liboro, bilang tapat na opisyal ng gobyerno. Dati siyang lider-estu­d-yante at may mataas na pagpapahalaga sa mga karapatang pantao. May tiwala tayo na pangangalagaan niya ang mga impormasyon ng indibidwal para hindi malagay sa peligro ang pamilyang Filipino.

Payo lamang sa ating mga pulis at lider sa barangay, kumonsulta muna sana kayo kay Chairman Liboro o sa kahit kaninong opisyal ng National Privacy Commission bago magsagawa ng census. Sa ganitong paraan, mababawasan ang agam-agam ng ating mamamayan at matitiyak na ang inyong proyekto ay naaayon sa batas.

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

Ruben III Manahan

Published by
Ruben III Manahan

Recent Posts

Isyu ng pag-eespiya vs third telco uminit sa lawyers online forum

WALANG cybersecurity measure na 100 percent fool-proof, ayon sa lawyers’ advocacy group na Tagapagtanggol ng Watawat. Sa isang webinar na… Read More

4 hours ago

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang… Read More

1 day ago

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na… Read More

1 day ago

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na… Read More

1 day ago

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan… Read More

1 day ago

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button! May mahigit 100,000 subscribers… Read More

1 day ago